hindi makakain
Nasa 8th week po ako at parang ayaw pa din ng sikmura/tyan ko kumain. ayaw nya may naaamoy kaya hirap kumain, madami ayaw kapag kakainin ko na. sobrang di kumportable sa pakiramdam, sobrang asim pa ng tyan ko madalas, kapag nakakain ng kahit sobrang konti e bloated agad. kelan kaya ako magiging matakaw ulit? paano na kaya si baby kung hindi ako makakain halos?#1stimemom
ok Lang po Yan mommy. Nung ako nga po sinusuka ko Yung kinakain ko madalas din akong sinisikmura. maselan ako sa pagkain. nawala po Yung pag lilihi ko 5months n nga. pa unti2x mawawala din po yang paglilihi nyo mommy.
Ganyan po talaga. Nung first trimester ko po halos di rin ako nakakakain ng ayos kaya di ako nadagdagan ng timbang. Pag dating mo po ng 2nd trimester magiging okay na po yan. Makakakain ka na po ng ayos para kay baby.
due to pregnancy yan ako noon ayaw ko ng mag sibuyas hahaha e halos lahat may sibuyas kaya puro prito ako kaya pumayat ako hanggang manganak ako ganoon pero sa 2kids ko di naman ako maselan noon iba iba talaga
ganyan rin ako naninibago sa baby ko noon super hirap ng first semester ko pilitin mo kumaen mi kahit sinusuka mo meron at meron maiiwan nyan sa tyan natin 🥰 samahan rin tubig makakaraos ka rin nyan
ganyan din po ako before halos ayaw ko kumaen 1st trimester halos lahat nahihirapan pero pinipilit kong kumaen kahit konti. Nasa 14th week of pregnancy na ko kahit papano kay pagbabago. Tiis lang po
Ganyan ako moms ..khit nga s pag ligo ayaw ko mligo😁 s pagkain palaging nasisikmura ..pero bawi ako pag nanganak ay minuto lng ang labor labas n agad c baby
Yung akin hanggang 16weeks ako ganyan. After nun, okay na yung appetite ko at di na rin ako nagsusuka. Konting tiis lang Mommy, lilipas din yan. Hehe
normal lang yan sa first trimester mommy same tayong maselan sa paglilihi . bumalik lang ung gana ko sa pagkaen kalagitnaan na ng 2nd trimester
ganyan din ako momsh. pero pinipilit ko nalang talaga kumain kahit konti magna laman man lang ang tiyan at para kay baby.. laban lang sis.
ako din po ngaun 7weeks hirap na hirap mkakain ng kanin kahit tubig ndi aq mkainom mya mya suka khit walang kinain