Walang Confidence sa Sarili

Napapansin ko po sa mister ko parang hindi niya naaappreciate mga aginagawa ko. Gusto ko lang naman marinig yung mga salitang inaantay ko. 3 months palang si baby at hindi ako masyadong nakakapag ayos sa sarili ko, parang nafefeel ko na yung postpartum stage to the point na parang hindi ko na mahal yung sarili ko kase siya parang hindi niya tanggap kung ano na yung naging katawan ko ngayon. Syempre dati sexy pa ngayon dami nang strech marks, malaki nayung bilbil ko at super nacoconcious nako sa ktawan ko kase lagi niyang sinasabi na paliitin ko nalang daw bilbil ko. Magwork out daw ako tas tinatanung pa niya kung hindi ba pwedeng matanggal yung mga stretch marks ko. Pucha! Eto yung mga tanda na naghirap ako para lang makaluwal ng sanggol. Hindi niya pa kayang tanggapin yun. Nkakasakit lang tapos kinocompare niya ko sa iba na momies na naging sexy naman daw kahit my anak na Hindi ko makuha point niya pero sobra akong nasasaktan sa mga sinasabi niya. Hindi niya man lang ako imotivate or kahit sabihin lng niya na tanggap niya ko kahit ganito na katawan ko. Wala e. Kahit yun lng sana para naman ma gain ko ulit yung confidence sa sarili ko. Nakakalungkot hindi ko alam mamsh pero sino po yung nakaexperience din neto? Napakasakit sa loob. Andami na ngang napagdaanan somula nung nabuntis, hanggang sa nanganak tas hindi pa niya ako kayang ippreciate nalang. ??

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo nmn ang mga lalaki pag nasanay sila na maganda and sexy ka kahit nanganak kana gusto ganun ka parin..try mo lang ibalik paunti unti yung dati mommy..yaan mo lang c mr. Kng mahal ka tlaga nya kahit ano pa maging itsura natin ay tanggap tau..baka way lang nya sau yun para ibalik mo yung dati mong ganda and katawan😊

Magbasa pa