Sana all hehe

Napakaswerte ko po sa asawa ko at masaya ako na hindi siya kagaya ng mga nababasa ko sa post dito.. sana lahat tayo maging maligaya ang buhay sa piling ng asawa.. yung asawa ko po kahit noong hindi pa kami kasal, maalaga na talaga sa akin.. noong bf gf pa kami, kahit wala sya bumibisita ako sa bahay nila, madalas ipinagbibilin nya ako sa mga magulang nya at kapatid nya na asikasuhin ako, ipagluto ako ng paborito kong ulam at ihatid pauwi.. kahit sa simpleng bagay gusto nya sya pa ang gagawa para sa akin, pati pag trim ng kuko ko sya pa gumagawa nahihiya nga ako kasi nakikita ng pamilya nya, sabi ko sa kanya baka isipin nila magbawas lanv ng kuko d ko pa magawa?pero sagot nya, wag daw ako mag isip ng ganun, love nya daw ako kaya nya ko pinagsisilbihan ? hindi ko sya inuutusan, nagkukusa talaga sya.. at napakasipag nya, lahat ng gawaing bahay kayang kaya nyang gawin ?pareho kaming may trabaho pero buwan buwan nagbibigay sya skn ng pambili ko ng mga gusto ko, ganyan na sya mula noong bf gf pa lang kami.. lalo na nung buntis na ako ang sarap sa pakiramdam na noong nalaman nyang buntis ako e sinabihan nya ko ng "hindi ko kayo pababayaan ng anak ko" at ramdam na ramdam ko na pinapatunayan nya un hanggang ngaun.. lahat ng nagastos sa pagpapacheck up, vitamins, gamit ni baby lahat ng kelangan ko, lahat yan binayaran nya plus allowance ko pa monthly ? panay post pa ng picture namin sa myday ? lagi pang may sweet message sa isang araw tadtad ako ng i love you mahal na mahal ko kayo ng anak ko..sa sobrang kaligayan ko, nakakaiyak isipin na yung buhay na pinapangarap ko noon e nararanasan ko na ngayon ❤ hindi perpekto ang relasyon namin, may mga misunderstandings din kami, may pataasan din ng pride pero balewala ung imperfections na yun kumpara sa happiness na binibigay nya sa akin.. siya at ang anak namin ang buhay at kaligayahan ko.. sana all ❤

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako naman baliktad. Siya ang pinagsisilbihan ko kasi kako pagod na siya sa work, pati ba naman sa bahay pagtatrabahuin ko pa? Mutual decision namin na maging housewife ako para daw maalagaan ko siya at si baby namin kasi para saan ba daw na nagtatrabaho siya abroad kung kayang kaya niya naman kami buhayin ng komportable ni baby kaya no need to work na ako. Kaya kapag bakasyon si mister, relax lang siya pero naaawa din minsan sa akin kasi daw masyado ko na siyang binibaby. Wala akong reklamo kasi mahal ko ang asawa ko. Nakakatuwa lang magbasa ng mga comments dito, hindi man lahat nabiyayaan ng responsable at mapagmahal na asawa, basta may pamilya naman tayo na masasandalan at kayang punan ang pagmamahal na hindi maibigay ng mga partner natin, kayang kaya lang po yan basta maging matatag lang at wag susuko ❤

Magbasa pa

Sana all tlga,kc deserve nating mga babae ang mgkaron ng maunawain,mapgalaga,at mapgmahal at responsableng makakasama sa buhay,kaya very thankful din aq kay God for giving me a man na sobrang mahal at d kmi pinapbyaan,npakahaba ng pasensya,maackso,sya at ang anak at mgiging anak pa nmin ang kumompleto ng buhay q, of course with God also,di man aq nbiyayaan ng masaya at buong pamilya nung bata p aq,napunan nman yun at nkompleto ng dumating ang mahal ko at mgkron kmi ng anak,with God's plan and guide masaya n buhay q ngaun ,🥰🥰🥰sensya n poh sa mahabang litanya,na carried away lang poh

Magbasa pa
VIP Member

sana all. ang pag aasawa daw ay swertehan kung ganyan makatagpo mo, lucky you. pero kung kabaliktaran o malayo sa dream wife/husband mo sorry nalang mahal mo eh. kahit ganon kalayo sa pinapangarap mo ang pagtanggap sa kanya ang makakapagpaligaya sayo. since wala nman perfect relationship. Nasa sayo nalang pano yayakapin kakulangan ng partner m. But I am happy may mga lalake parin ganyan ngayon, mabuti tao ka siguro at mabait kaya ka binigyan ng partner na tulad nya.

Magbasa pa

Ilang years na kayo? Swerte mo! At isa ka sa nakatagpo ng mabait na asawa sa out of 100% na lalaki sa mundo 10% lang siguro ang matino at swerte mo dahil pasok ung asawa mo sa 10% na mabubuting lalaki, sana hinde magbago. Kc asawa ko ganyan na ganyan nung panahong bago palang kami nagsisimula palang pero nung nagkaroon na at marami ng nakasalamuha nagbago narin siya 😢nagpaimpluwensiya sa mga immoral na katrabaho niya.

Magbasa pa

Yung asawa ko hindi ko pa hinihiling binibigay na nya. When it comes to money sakin diretso paguwi nya magluluto sya ng dinner kase gusto nya ako ipagluto habang buntis ako at kahit hndi pa ako buntis super ako kung alagaan sya nagpapaligo sa akin sinusuklay ako sya nagtitimpla ng gatas ko nagpapaalala sa vitamins ko. Lagi ako may pasalubong wala na ako mhihiling pa super blessed 😍

Magbasa pa

Same here sis ❤️ Pareho kami ng husband ko na galing sa hindi magandang relasyon. At ngayon, super okay kami. Para kami mag barkada pag nagkukulitan. At sobrang alaga niya kahit minsan nakikita ko pagod na siya. Ayaw niyang gumagawa ako ng mga gawaing bahay para safe lang daw kami ni baby. Let’s all be thankful sa mga kasama natin sa buhay ❤️❤️❤️

Magbasa pa
VIP Member

Same here! I am feel so blessed to have to a super loving husband and good provider. Last night I cried so hard dahil nag sorry Mama ko sa akin wala siya pag manganganak ako (ofw kasi siya) at next year pa ulit bakasyon niya. My husband was there all the time while I was crying hugging me and he told me 'wag ka na umiyak andito naman ako pag manganganak ka'😂

Magbasa pa

Swerte din ako sa partner ko.. nag plan palang kami magpakasal pero nauna na si baby na binigay ni God.😂 supportive sya sa akin at na poprovide needs ko sa pag bubuntis. Thankful ako masyado kasi at the same time nurse din sya kaya alagang alaga nya ako lalo na nung 1st trimester ko kasi napaka selan ko mag buntis..

Magbasa pa

Swerte mo momshie! Asawa ko nakilos naman pero need utusan. Sya din masagot lahat ng gastos ko ngayong pagbubuntis at lahat ng gsto ko kainin. Pero adik na adik na sa mobile legends, pagkatpos nya ako ipamili o ipaghain wla na pakialam mag e ml na maghapon at magdamag.😕

VIP Member

Same 😊😊 Napakaswerte ko din sa hubby ko, Kahit magbf gf pa lang kame hanggang sa nakasal kame walang ng bago.. Tsaka kahit kelan nde ako nakarinig ng mura sa kanya kahit pabiro, ako pa nga ang nagmumura sa kanya..

Magbasa pa
5y ago

Swerte mo. Ako 1month pa lang kami sinigawan at minura na ko.