Pagod na pagod nako.

Napaka saya namin ng lip ko before ako mabuntis, pero nagbago nung nabuntis ako, yung araw na nalaman kong buntis ako meron din nag message request sakin, babae, binasa ko tapos nakalagay "ano mo si which is my lip" na shock ako, syempre sagot ko asawa ko, tsaka sakin sinend nung babae yung mga picture nila, yung mga screenshot ng tx at chat nila ng mga kasalakuyang date lang din, ibig sabihin may asawa sa ibang lugar ang lip ko, haha all this time kabit pala ako, tangina ang galing time management ang nangyare, nag checheck ako ng cp nya hindi ko lubos maisip kung paano nangyari? Pinapili ko lip ko, ako ang pinili nya sa mga unang bwan ng pagbubuntis ko, hanggang sa nag 6mos ang tyan ko hindi na sya nauwi ng bahay namin, minsanan kung mag tx at mag chat, wala akong ibang nagawa kundiag tanga tangahan at mag tiis, sobrang sakit para sakin na kapag andun sya hindi nya ko kinakamusta manlang kahit abutin pa ng ilang araw, napaka sakit walang kasing sakit, kapag mag aaway pa kami lagi nya sinasabi mamatay nadaw sana ako pati yung bata kasi hindi naman daw sya ang tatay, imagine lumalabas sa bibig nya yung mga words na "mamatay na sana yang bata nayan! Makunan ka sana! Madulas ka sana! Panira ka ng buhay! Mamatay na kayo nyang baby nayan!" Ilang beses ko ng sinubukang hiwalayan sya pero wala akong choice kundi tanggapin ulit sya dahil sa kanya lang ako naasa ngayon kasi pinag resign nya ko kasi nga daw buntis ako at pandemic delikado ngayon, stress na stress nako, triny ko ulit mag yosi kahit buntis ako, nababawasan stress ko pero tinigil ko din naisip ko na bakit ko kakawawain ang sarili ko bakit ko sasaktan ang anak ko, itinigil ko din, may mga araw na maghapon lang ako nakahiga umiiyak, alm nyo ba kapag nag sama ang anxiety at depression ko umiiyak ako kahit sa kalsada kahit sa jeep or kahit saan ako abutan ng sakit ko, isang beses 2am na ng umaga nag away kami lumabas ako nagpunta ako sa simbahan sarado na tumayo ako sa labas ng simbahan tapos dun ako umiyak, iyak lang ako ng iyak awang awa ako sa sarili ko pati nadin sa anak ko, imagine ang laki laki ng tyan ko nasa labas ako ng ganung oras nakatayo sa kalsada at naiyak, wala akong mapag sabihan ng problema ko, wala akong mapag kwentuhan kahit pamilya ko, hirap na hirap nako gusto kona mamatay, gusto ko ng magpahinga gusto ko ng maglaho, ang sakit sakit na hindi ko na kayang itago, gusto ko ng mag voice out. Gusto kong maglasing umiyak mag wala, gusto kong maglasing tapos sabihin sa kanya lahat lahat ng nararamdman ko laht ng sakit lahat ng hinagpis lahat ng pagsisisi ko, pagod nako, kaylangan ko na ng tulong, kaylangan ko ng yakap i need shoulder to cry on, pati mga kaybigan ko walang kwenta magagaling lang kapag papainumin mo ang mga putangina, by the way kampi sila dun sa tarantadong lalaki nayun kasi napapa inom sila, oo nga pala pulis yung hayop na lalaki nayun, akala ko sasaya ako sa kanya, nagkamali ako, nagsisisi ako na sya yung naging tatay ng anak ko, oo nga pala 39weeks nako today tapos eto sinabihan ko sya kaninang umaga na parang false labour nako, samahan nya naman ako maglakad lakad, dedma lang nagalit pa sakin bakit daw ako magte tx, haha siguro andun sya sa asawa nya ang sakit lang walang suporta putangina, gustong gusto kunang sumabog gusto kunang mag disappear, gusto ko na manganak para makapag work nako ulit at hindi na umasa, anak labas kana ng safe at healthy I'll promise to you i will do my best just to be sure na maibibigay ko ang lahat sayo kahit walang tulong ng kahit na sino sa pamilya nila, excited nako sobra!☺️ Palabas lang ng sama ng loob mga Mommy! Thank you!♥️

56 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Dama ko yung emosyon mo sa post na to. Praying for you and your child’s safety. Don’t worry,hindi ka forever malungkot. Hindi ka habang buhay mag iisa. Hindi ka habang buhay nasa ganyang sitwasyon. One day,you’ll be surprised na okay na ang lahat for you and your child. Free you heart from hatred and pain,for sure good things will come soon. Believe me. I’ve been there and here I am now,very blessed and loved. Hugs to you anon,please stay strong❤️

Magbasa pa

Naranasan ko yan mamsh nung 1st trimester ko nakailang balik ako sa hosp kasi viginal bleeding sobrang stressed pero nung inultrasound ako nakita ko si baby okay naman siya and narinig ko heartbeat niya nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob sa kabila ng stressed namin dalawa hindi siya bumitaw kaya kailangan magpakatatag pa tayo lalo para sa baby natin :) Malalagpasan mo din po yan. Pray lang din po hindi niya tayo pababayaan ☝😇

Magbasa pa

Grabe mommy, ramdam kita! Naluha ako. Sending my hugs to you mommy! Lakasan mo lang loob mo at lagi kang magdasal, for sure malalagpasan mo din yan. Alisin mo na sa life mo yung mga “friends” mo, toxic yan. Piliin mo magkaroon ng Peace of Mind mommy, importante yan. Have a safe delivery mommy! Kakayanin ang lahat para sa anak. 🥰

Magbasa pa

Hello mamsh, just wanna say na lahat ng problema na Duma dating sa buhay natin lahay may solusyon sa tamang panahon wag ka pakastress alagaan mo ang sarili at anak mo and the best way is lumayo ka nalang sustento pwede naman kesa mastress ka. Pray lang ng pray once makita mo na ang anak mo gagaan lahat yan.

Magbasa pa

keep strong sis i surrender mo lahat kay God hindi ka niya pababayaan.. And alagaan mo si baby dahil sya ang magbibigay sayo ng walang humpay na saya. All that pain is temporary bumangon ka pabayaan mona ang lalaking yon hingi kanalang ng finacial support para hindi ka mahirapan..Godbless you sis

Ang bigat. Bigat bigat. Ako nasasaktan sis.😔 bakit tayong mga babae lagi nagdudusa sa huli. Labas tayo sis. Para makapag libang tayo. Madami din ako napagdaan. Lahat ng problema may katapusan. Kapit lang sis. Naiinip nadin ako dito eh. Madami tayo pagkkwentuhan. Hehe. Chat tayo

Be strong momsh..yung mga ganyang klaseng lalake hindi n dpat pnag aaksayahan ng panahon at effort. Focus k n lng ky baby & pray lagi.. At please po alisin mo n din s buhay mo yung mga so called friends n toxic..Start anew aftr mo manganak for the sake of your baby.. Kaya mo yan! 👍

Lapit ka sa officers nya mag file ka nang reklamo na nabuntis ka nya ipapatawag yan sa office itatanung kung susuportahan niya yung baby mo kung hindi matatanggal na pulis yan🙂 wala ka naman kasalan jan dimo naman nalaman agad na may asawa na pala sya. kaya mo yan..

Lapit ka sa officers nya mag file ka nang reklamo na nabuntis ka nya ipapatawag yan sa office itatanung kung susuportahan niya yung baby mo kung hindi matatanggal na pulis yan🙂 wala ka naman kasalan jan dimo naman nalaman agad na may asawa na pala sya. kaya mo yan..

take care of yourself mamsh. yung baby nyo po ang magbibigay ng unconditional love sainyo. hayaan nyo na yung partner nyo. halata naman na hindi kayo priority nya. be stronger po kasi mas kailangan ka ng anak mo. ikaw nalang ang parent na magmamahal sa kanya.