Pagod na pagod nako.

Napaka saya namin ng lip ko before ako mabuntis, pero nagbago nung nabuntis ako, yung araw na nalaman kong buntis ako meron din nag message request sakin, babae, binasa ko tapos nakalagay "ano mo si which is my lip" na shock ako, syempre sagot ko asawa ko, tsaka sakin sinend nung babae yung mga picture nila, yung mga screenshot ng tx at chat nila ng mga kasalakuyang date lang din, ibig sabihin may asawa sa ibang lugar ang lip ko, haha all this time kabit pala ako, tangina ang galing time management ang nangyare, nag checheck ako ng cp nya hindi ko lubos maisip kung paano nangyari? Pinapili ko lip ko, ako ang pinili nya sa mga unang bwan ng pagbubuntis ko, hanggang sa nag 6mos ang tyan ko hindi na sya nauwi ng bahay namin, minsanan kung mag tx at mag chat, wala akong ibang nagawa kundiag tanga tangahan at mag tiis, sobrang sakit para sakin na kapag andun sya hindi nya ko kinakamusta manlang kahit abutin pa ng ilang araw, napaka sakit walang kasing sakit, kapag mag aaway pa kami lagi nya sinasabi mamatay nadaw sana ako pati yung bata kasi hindi naman daw sya ang tatay, imagine lumalabas sa bibig nya yung mga words na "mamatay na sana yang bata nayan! Makunan ka sana! Madulas ka sana! Panira ka ng buhay! Mamatay na kayo nyang baby nayan!" Ilang beses ko ng sinubukang hiwalayan sya pero wala akong choice kundi tanggapin ulit sya dahil sa kanya lang ako naasa ngayon kasi pinag resign nya ko kasi nga daw buntis ako at pandemic delikado ngayon, stress na stress nako, triny ko ulit mag yosi kahit buntis ako, nababawasan stress ko pero tinigil ko din naisip ko na bakit ko kakawawain ang sarili ko bakit ko sasaktan ang anak ko, itinigil ko din, may mga araw na maghapon lang ako nakahiga umiiyak, alm nyo ba kapag nag sama ang anxiety at depression ko umiiyak ako kahit sa kalsada kahit sa jeep or kahit saan ako abutan ng sakit ko, isang beses 2am na ng umaga nag away kami lumabas ako nagpunta ako sa simbahan sarado na tumayo ako sa labas ng simbahan tapos dun ako umiyak, iyak lang ako ng iyak awang awa ako sa sarili ko pati nadin sa anak ko, imagine ang laki laki ng tyan ko nasa labas ako ng ganung oras nakatayo sa kalsada at naiyak, wala akong mapag sabihan ng problema ko, wala akong mapag kwentuhan kahit pamilya ko, hirap na hirap nako gusto kona mamatay, gusto ko ng magpahinga gusto ko ng maglaho, ang sakit sakit na hindi ko na kayang itago, gusto ko ng mag voice out. Gusto kong maglasing umiyak mag wala, gusto kong maglasing tapos sabihin sa kanya lahat lahat ng nararamdman ko laht ng sakit lahat ng hinagpis lahat ng pagsisisi ko, pagod nako, kaylangan ko na ng tulong, kaylangan ko ng yakap i need shoulder to cry on, pati mga kaybigan ko walang kwenta magagaling lang kapag papainumin mo ang mga putangina, by the way kampi sila dun sa tarantadong lalaki nayun kasi napapa inom sila, oo nga pala pulis yung hayop na lalaki nayun, akala ko sasaya ako sa kanya, nagkamali ako, nagsisisi ako na sya yung naging tatay ng anak ko, oo nga pala 39weeks nako today tapos eto sinabihan ko sya kaninang umaga na parang false labour nako, samahan nya naman ako maglakad lakad, dedma lang nagalit pa sakin bakit daw ako magte tx, haha siguro andun sya sa asawa nya ang sakit lang walang suporta putangina, gustong gusto kunang sumabog gusto kunang mag disappear, gusto ko na manganak para makapag work nako ulit at hindi na umasa, anak labas kana ng safe at healthy I'll promise to you i will do my best just to be sure na maibibigay ko ang lahat sayo kahit walang tulong ng kahit na sino sa pamilya nila, excited nako sobra!☺️ Palabas lang ng sama ng loob mga Mommy! Thank you!♥️

56 Replies

Sending you my virtual hugs and prayers, momsh. Kaya mo yan. Kayanin mo for your baby. May magandang plano sa kanya, sa inyo ang Lord. Hindi mo man makita ngayon, but I believe pag nagpakatatag ka at patuloy na nagtiwala sa Kanya, makikita mo rin kung pano Sya kikilos sa buhay nyo ni baby. Mahirap sa ngayon pero sabi nga, hanggat may buhay, may pag-asa. May katapusan lahat ng bagay. Endure mo lang yung pain ngayon. "There may be pain in the night but joy comes in the morning." With regards to your LIP, wag mo na syang habulin. He is not worthy. The mere fact na ginusto nya kayong mawala ni baby, di sya karapat-dapat tumayong ama ni baby. Pero habulin mo sya sa sustento. May karapatan ka run. Pero wag mo ring hayaang lumaking may galit sa Tatay nya si baby. Mahirap kasing lumaki na may sama ng loob sa kahit kanino esp. sa magulang. Hayaan mong mapuno siya ng pagmamahal mo. Instill the fear of the Lord in your baby's heart. Ikaw rin. Patawarin at palayain mo rin sya. Mahirap, I know. It may seem impossible pero that's the only way para makalaya ka sa kahit anong negative feelings that you have. Pag pinatili mo kasi yung galit sa kanya, ikaw rin yung talo. Magpapakalugmok ka samantalang sya, wala lang dahil may iba naman sya. Be happy momsh, for yourself and for your baby's sake even wala na si LIP mo. I declare God's grace, mercy, blessings, forgiveness, love, peace, and joy to be upon your heart. I speak provision in all aspects of your life. I pray for safe and normal delivery. I declare God's comfort to embrace you right now. In the name of Jesus. Amen.

Mommy mgpakatatag ka 35weeks n 5days din akO same tau sitwasyon papa ng bb kO PNP din. 3years kami ng sama bago ako na buntis 5years kami mg On pero bago ko lang din nalaman na parang my something din pala sya kabit din pala ako d kO alam at ang alam ko is wala syang asawa anak lng meron. Pero tinanggap kO nlng kc napamahal nko sa knya ng subra at kita ko kng ganu nya kO ka mahal. Mgkaiba lng tau kc sya lng ngbibigay sakin ng kaligayahan kahit buntis nako. Problem lng nung wala n sya pwesto nauwi kami sa province namin at ng schooling sya dun ko na nalaman na meron nga talaga syang tinatago sakin. At meron nga sya wife sakit pero iniisip ko cla ang nauna eh. D nmn ata to ginawa ng dios kong walang dahilan kya. Dasal nlng tau mommy na maging Ok ang lahat. Makakaraos ka rin momsh konting tiis nlng

ako nga po hndi nman po ako kabet pero nung nalaman nya na buntis ako sabi nya ipalaglag ko , ayaw nya sa anak namin , pero nalaman ko may anak na sya sa una nyang gf wala na sila nun nakita ko sa fb na sweet sya sa bata , pinabinyagan nila , dala dala pa surname nya pero yung anak nya sakin halos isuka nya pero d ako humabol kahit wala akong trabaho , d ko sya pinilit , basta d nya makikita anak ko netong huli gusto nya makilala sya nung baby pero ayoko dhil nung simula ayaw nya nman sa baby. 6mos preggy na po ako sa baby namin 1st baby ko po. sana po kuha ka nlang ng lakas sa baby mo wag mo na pilitin yung tatay nya. yung sakin po naghabol bgla kase nalaman na lalake , yung baby nya po kase sa una babae . fight lang tayo momsh 👍

I know that feeling na mabuntis ng isang walang kwentang lalaki. To the point na gabi gabi umiiyak ka dahil sa lalaking yun. Pero pray ka lang at iiyak mo kay God lahat ng sakit na nararamdaman mo, tignan mo isang araw mawawala na lang yung sakit at feelings mo sa lalaking yun lalo na pag dumating si baby mo. Oo maiisip mo pa din sya pero magtiwala ka lang kay God malalagpasan mo lahat ng sakit at kusa na lang na mawawalan ka na ng pakialam saknya. Focus ka na lang kay baby. Kaya mo yan mommy wala din ako mapag sabihan ng sama ng loob noon kaya kinakausap ko lang si Lord. Pakatatag ka lang po. Kung nakaya kong lagpasan ang sakit alam ko makakaya mo din yun. Magtiwala ka lang po.

Pray ka lang. ang pamilya mo lapitan mo sila. sila ang makakatulong sayo sa ganyan satiwasyon at hindi kaibigan. Once na lumabas na si baby mo mag babago na mundo mo kakalimutan mo na yang walang hiyang tatay niya na yan. Mag focus ka sa baby mo then patunayan mo na hindi mo siya kailngan. kahit ano gawin niya wag kana makipag balikan. darating yung taong para sayo naniniwala ako. Hindi hahayaan ng diyos na maging malungkot ka habang buhay at hindi ibibigay ni God yan problema mo kung hindi mo kakayanin. trust the process. Everything happen for a reason. 🙏 wag na wag ka mawawalan ng faith kay God hindi ka niya papabayaan. ,🙏

Please cut off your relationship with the guy. I know nasasaktan ka, pero imagine kung anong mafifeel ng wife once malaman nyang may kabit yung husband nya. Hindi mo rin naman deserve yung treatment nung guy. I can't imagine a guy telling me na sana mamatay na ako & yung baby ko. That's a red flag. For your baby's sake, please cut it off. Also, according to Ellen Adarna, you deserve what you tolerate. I'm not saying you deserve those words from the guy, pero if hahayaan mong ganyanin ka pa rin nya in the long run, then you have chosen that path. You deserve so much better.

Napaluha ako, kasi ganyan din ang stwasyon ko ngaun... Ang sakit2x pero pinipilit kong lumaban alang alang sa anak ko.. 27 weeks pregnant din ako... 😭😭😭Halos gusto ko na rin lumabas anak ko para mkapag work ako.. Wala rin ako may natatanggap na suporta sa tatay ng anak ko kasi ayaw nya na rin sakin mas pinili mga babae nya.. Kasi sabi nya di daw sa kanya ang bata.. Hinahayaan ko nalang xa... Iniiyak ko nalang lahat2x ng nararamdaman ko...ngsasabi na rin ang isip ko sarap nang mamahinga.. Pero hndi pwede kasi madadamay at kawawa anak ko.... 💔💔💔

kakaiyak nman story mo 😪 kaya mo yan sis lakasan mo lng loob mo pag nanganak kna at kaya muna iwan muna yang pisteng lalake nayan.. sarap sakalin pag katapos kang buntisin at taguan ng asawa may gana pang hilingin na mamatay kayo.. sana xa na lng mamatay kasi bwiset xa.. anyway.. pray lng at lakasan ang loob wag kang susuko sa laban ng buhay para kay baby.. ur so blessed di lhat ng babae nabibiyayaan ng anak kaya wag mo xang pababayaan.. ingatan mo dn sarili mo for ur baby wag paka stress wag mo na isipin ung pisteng lalake na un... hehehe aja aja lng 💪💪💪

Wag mo paikutin ang mundo mo sa nakabuntis lang sayo. Bumangon ka para sa baby mo. Sa ngayon, ok lang umasa sa sustento nya (pulis naman sure may maiiabot yan kahit maliit lang) Kapag kaya mo na sabayan maging Single Mom, work ka na. Push mo yung benefits mo as Single parent (sayang naman discounts) Tapos make sure kalimutan mo na yang Tatay ng anak mo. Sustento na lang. Kapag may pera ka na pumapasok at kaya mo na kayo lang ng bata, kalimutan mo na yang Pulis na yan. Maging lesson na yang pain mo nuon. Wag ka papabiktima. Keep strong, momsh! Sarap mabuhay ano 🙂

VIP Member

Sending huggsss mommy. Tama yung mga nga advise na lumapit ka sa family mo dahil sila ang mkakatulong sayo. Pray ka lang lagi t 🙏🙏🙏 gagawa ang Lord ng dahilan para lumaban ka wag kang susuko para sa anak mo. Wag mong sayangin ang buhy mo ang buhay nyo ng anak mo pra lang sa 1 tao mas maraming ng mamahal sayo nanjan ang family mo. Lagi ka lang mg pray hingi ka strength sa Lord malalagpasan mo yan. At magiging better ka pa kesa dati 😊 Godbless you always mommy

Trending na Tanong