Nangyari na ba ito sa'yo?

Napagalitan ka na ba ng biyenan mo?

Nangyari na ba ito sa'yo?
829 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yes napagalitan dahil sa sobrang katakawan ko dahil pinapadiet nya ko mag 6months preggy nako etong sep dahil ayaw nya ko ma-cs at napapagalitan din dahil sa kakapuyat ko rin hahaha at yan lang naman meron pa pala pinaglilinis nya ko kwarto namen para daw di daw ako nakahilata kase daw pag ganon ginagawa ko baka ma-cs daw ako iniiwasan nya lang ma-cs ako at ayan lang naman wala ng iba mabait naman biyenan ko kase pag kumakain kame ng partner ko ako naghuhugas e kumikilos naman din ako ng kusa depende pag nasa mood ako magkusa maglinis.

Magbasa pa

Hindi directly pero parang nagpaparinig lang. Sa bahay kasi namin siya nakitira. Pareho din kami ni hubby may work. Kaya hindi ko alam bakit palagi kami ginagawan nang issue kahit sa pagpalaki ng mga anak. At first, ok naman pero fake lang pala lahat. Kahit nga si hubby na anak na kinokontrol nia sa lahat ng bagay. Sa paghugas ng pinggan at sa paglaba ng damit pinapakialaman nia kasi para sa kanya mali daw iyong ginagawa namin ๐Ÿ˜‚kahit nga sa pag arrange ng mga furnitures pinapakialaman nia na bahay naman naming mag asawa iyon ๐Ÿ˜…

Magbasa pa

yes! sinisiraan p niya ako sa mga kaibigan nia... nagseselos pa nung minsang nag bebe tym kaming mag asawa... pag di nakakarating yung tatay ko para bantayan mga anak ko... sinasalitaan nia mga anak ko ng kung anu ano... pinag aaway pati nia kaminv mag asawa buti n lng di xa pinaniniwalaan ng husband ko nananahimik na lang kami... napakasakit maging manugang na kahit anong pakikisama mo di ka pa rin tanggap... ipinaglalaba ko naman xa... ako lahat gumagawa ng gawaing bahay pero bat parang kalaban tingin nia sakin

Magbasa pa

Hindi pa pero never kaming nag usap or nagkaron ng bonding together na medyo matagal. Mag uusap lang kami kapag may i aask siya sakin ganern. Never rin niyang binati ung mga parents ko. Mas close pa nga sila ng unang naka lip ng asawa ko pati yung mga parents nun haha. Pang second apo niya na kasi yung akin. First apo niya ung sa unang naka lip ng asawa ko kaya dun siya mas close. Well anw, wala naman akong pake. As long as hindi niya ko pinapakeelaman e okay lang. Magsama pa sila ng favoritism nya hahahaha.

Magbasa pa
Super Mum

Mabait mga in laws ko my tyms tlg na my mga misunderstandings pero oks lang. normal lng nmn tlg ung ganun. ang mpornte kahit di tayo agree sa knila andun pa rin ung respect. mga parents din cla. kpakanan lang natin ung iniisip nila lalo na sa mga apo nila. kya ung ibang mga daughter in law jan na my mga hugot sa mga in laws nila. ipagpray nyo nlng cla. darating ang tym mgcchange din ung heart nila and marealize nila ung kmalian nila. wag po tayo mgtanim ng galit sa knila. Godbless po mga mommies

Magbasa pa

hindi pero galit ako sakanila hahahahaha isipin mo yun dhai may sariling pamilya na yung anak nila pero todo hingi parin sila ng pera tas demanding pa, gusto pa ng malaking halaga kase pag kalahati lang binigay mo ihahagis pa nila jusko dhaiii. isa pa yung sa mat benefits ko, binisita ako sa bahay namin kase nag stay ako sa mama ko, instead na kumustahin ako mas una pang tinanong yung SSS ko kung okay na daw ba???? hahahahaha how po mag ka biyenan ng hindi sakim at silaw sa pera????

Magbasa pa

hindi po., wala kasi silang anak na babae, dalawang lalaki lang.. at dito kami sa kanila mabait preho. Ang tamad ko nga sobra ngayong buntis.. pero nung di pa, di talaga ako nag nagpabaya sa bahay.. at nung nagkakasakit ang lola nang husband ko todo alaga ako hanggat nawalan nang hininga sa kamay ko mismo, alagang alaga din ako nun.. At sa mga gastusin sa bahay.. I'll make sure na di talaga kami pabigat.. kaya kahit walang matira sakin, bibili talaga ako kung anong kailangan.

Magbasa pa

Hindi pa naman ako napagalitan pero kada may nababalitaan sya tungkol sa akin at aming mag asawa, magugulat nalang ako alam na ng kapitbahay namin. Haha! jusko Dakilang CHISMOSA. tapos subukan lang nya pakialaman ako sa pag aalaga ko sa anak ko, dahil ayoko sa lahat masyado ako pinapangunahan sa desisyon ko at dinidiktahan ako, at ayoko din na nakiki isyuso sya sa aming mag asawa pag nag uusap kami. hilig makisawsaw sa usapan ng may usapan. Bwiset, chismosa.

Magbasa pa

Yes, nung natira kami sakanila sa bahay ng biyenan ko. Halos gusto niya masunod lahat ng gusto niya at ang hubby ko panganay. Ang hirap pag natira sa bahay ng biyenan kaya umalis kami kase bukod sa chismosa na plastic pa yung tipong pinakisamahan muna. Pinagchismis pa na di raw niya apo anak ko tsaka di rin daw ama yung anak niya. Natawa nalang ako sa kabaliwan ng ulo niya. Minsan yung respeto ko nawawala na kase sobrang di ko kaya magtiis sa ganon ugali.

Magbasa pa

Super duper mabait byenan ko. Wala ako masabi. Cguro kse nasa 50 pa lang sya at malakas pa ang pangangatawan. Saka dahil na din sa nag iisang lalaking anak ung napangasawa ko. Kaya mejo alaga sila sken, dahil nag iisa akong manugang na babae.. Sabi nga nila, di lahat mapupunta sayo. May mabait na byenan, hudas ang asawa. May hudas ang asawa, mabait ang byenan. Pero ang napunta sken, pareho. Mabait na byenan at asawa.. swertehan lang talaga sa byenan.

Magbasa pa