Paniniwala

Naniniwala ba kayo sa kasabihan na kapag lumindol dapat maligo or magbuhos lang ng tubig kahit tatlong buhos lang ganun? Actually lumindol kaninang 3:18 buti at di kami makatulog ng asawa ko after ng lindol, nagbuhos talaga ako sa cr. Kayo ba naniniwala dun?

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa ibang bansa po ba ganyan din ang kasabihan? Pano po kung hindi? Bakit po sila na walang ganyang kasabihan okay naman po pregnancy nila? For me po kasi basehan q lagi ay una-biblical ba? Pangalawa- agree ba ang science? At saan ba, ano ba, at kanino ba ang origin nyan? Ikatlo sa reality, gaano kataas ang rate na nangyayari yan? Ikatlo, may sense ba yan? I'm sorry, I'm not saying this para manlait, di po aqo ganon. Sana wag naman po ganon ang isipin nyo. Ang sakin lang minsan po common sense na lang. Need lang po natin pagaralan sa utak natin kung may katotohanan ba ang mga naririnig natin. Kaso bandang huli dahil sa mga sabi sabi tayo din ng nagsasuffer, walang freedom na wag na lang gawin ang mga sinasabi nila plus nakakapagworry pa kung di gagawin. I hope it helps.

Magbasa pa

Totoo man o hinde. Walang masama kung gagawin e. Walang mawawala. Mag sisisi ka lang pag hindi mo pinaniwalaan pero in the end possible pala. 19 weeks preggy here. First time Mom. Ramdam na ramdam ko yung lindol. Nag buhos talaga ako kahit malamig dito sa area namin. Para sa baby ko. 💕

😂😂😂 First time ko rin narinig sa hubby ko kninang umaga ng sinabi ko sknya may lindol at 3:10am ... Nasa MAKATI kc ako stayin sa work, biglanh ramdam ko ang yanig ng building..gising ako nun... Wala naman yung kinalaman sa condition natin ang mahalaga SAFE tayo.. Db

Sbi ng matatanda po un,ska inom daw ng maraming tubig..wla naman mawawala kung susundin nyo po..ganyan din kc ginawa ko last year nung lumindol ng malakas dito sa luzon..😔..thanks god safe naman kmi ni baby pglabas...😇

VIP Member

Same ako din nagbuhos kanina, narinig ko lang din sa iba na yun ginagawa nila pag nalindol at buntis ka wala namang masam kung gagawin na lang

Sa province naman namin pag buntis ka at lumindol maligo daw ng vinegar,ginawa ko naligo ako ng vinegar hinalo ko sa isang baldeng tubig😊

Sa ka sabihan kasi mabubugok o mabubulok daw nasa sinapupunan mo pag dika nag buhos pag lumindol. Pero ndi namn ako naniniwala Jan..

Ilang beses lumindol during my pregnancy, wala akong ginawa. Sa awa ng diyos wala naman masamang nangyari sa amin ng baby ko.

Aq po hnd ko alm n lumindol. .. Pero hanggang tubig lng po ang ininom ko.. Pag kagising kc super init nw..

Hindi. Engot lang naniniwala sa ganyan. Ano connect non sa pagbubuntis ba? Meron ba? Wala naman di ba? 🙄

5y ago

engot po ba agad? sa province po kasi ganyan wala naman masama na gawin foul naman ng salitang engot o di kayo na magagaling! God bless!