Paniniwala
Naniniwala ba kayo sa kasabihan na kapag lumindol dapat maligo or magbuhos lang ng tubig kahit tatlong buhos lang ganun? Actually lumindol kaninang 3:18 buti at di kami makatulog ng asawa ko after ng lindol, nagbuhos talaga ako sa cr. Kayo ba naniniwala dun?

Hndi po. Hindi naman ako manok. Sabi ng mama ko pang manok daw un, para di mabugok ang itlog. Hehehe
Ngayon ko lang narinig yan. Pero umiinom ako ng water everytime na nagigising ako sa madaling araw
Wala pong masamang maniwala dahil ako mismo nagbubos din kanina. 😊 wala naman mawawala sayo.
No po hehehe pero if naniniwala po yung iba, I respect that kasi wala naman mawawala diba :)
No, mas mainam pa mag pray for safety saka dagdag stress lang yan ganyan isipin eh
Bkit Ano po kasabihan ? Wala ako ginawa ehh .. natakot lang ako baka may Aftershock pa
Sabi naman sakin nang MIL ko, himsin ko daw tyan ko nang may suka. Ginawa ko na lang.
Hindi ko ginawa yan kahit naramdaman ko yung malakas na lindol. 26 weeks pregnant
ewan ko rin😂✌️, d ko nga alsm n naglindol sarap daw kc ng tulog ko sabi ni hubby
Kasabihan po kasi yun ng matatanda wala naman siguro mawala kung sumunod hehe



First mom