✕

89 Replies

kayang kaya mo ng mag multi tasking...naglalaba sa washing machine habang naghuhugas ng plato...nagluluto habang naglilinis ng bahay. at palaging nauuna ang kalagayan ng mga anak bago ang kalagayan ng sarili. kapag maysakit ka di na iniinda dahil iniisip mo sino aasikaso sa mga anak mo kapag tuluyan kang nagkasakit.

Kapag kakain kayo minsan ng partner mo sa labas tas need mo maiwan si baby kasi hindi safe igala pa ang baby sa mataong lugar. iisipin mo muna ano kayang iuuwing pagkain or pasalubong sa baby mo. o kumain na kaya sya or Ano ginagawa nya 😅 Isusubo mo palang parang gusto mo ng umuwi kasi may anak kang nag-aantay. Nanay kana kapag mas inuuna mong maisip ang pagkain/needs ng anak mo kesa sayo. 😊

kapag hindi kna babad sa phone, bukod sa takot kang mahulog si baby habang hawak sya at nagsecellphone ka ay at risk dn sya sa radiation; kapag kaya mo nang indahin ang ngalay habang karga sya nkatayo mn o nkaupo so long na komportable sya (kahit ipit na ang pigsa ko non 🥺😂);kapag mas priority nang bilhin ang gatas kesa food cravings

bago pa ko maging isang mommy nagpapractice nako kung ano ang ginagawa ng isang first time mom at na try ko na din magbantay ng bagong panganak na baby binihisan , pinapadede at pinapaligo at ngayong soon to be mommy nako mas maraming trabaho na yung ginagawa ko kumbaga nagpapractice nako para incase na andyan na si baby 🤗

ang laman nang shoppe cart mo is pambata, inuuna mo ang gamit ng baby, kaya mo na mag multitasking, gising ka sa madaling araw, nag be breastfeed ka na, nagmamadali ka na maligo lalo na at gising si baby, hindi kana makapaksuklay nang buhok sa pagmamadali ( that's me...)

so true..first baby ko palang tong pinagbubuntis ko pero lahat ng addd to cart ko halos puro sya na naiisip ko😊

1st baby ko to. ang lifestyle ko mejo happy go lucky and feeling cool lang..I used to drink alcohol dn before pregnancy..pero simula nalaman ko magiging mommy na ako...hinanda ko na sarili ko to stop everything na hndi naman essential sa life at ang iniisip ko nlang kung paano ko magiging mabuting mommy kay baby😊

nanay ka na kapag di mo na iisipin kung masasakripisyo ung mga sarili mo para sa anak mo. ako kasi nagpa gupit na ng super iksi kahit nakakahiya na maiksi na ang hair ko iniisip ko na lang na ung nutrients na pumupunta sa hair ko ngayon kay baby na sya mapunta. ayun everyday struggle sa pag inom ng gamot. kinakaya

kakayanin mo lhat kahit mahirap inuuna ang needs ng anak...di mo na nakukuha at nagagawa ang mga gusto mo sayong sarili lalo na pag baby palang ang anak mo...di mo na maasikaso ang sarili kase importante ang anak maalagaan ng maayos..lalo na pag ikaw lang mag.isa wala kang katuwang..

may sakit ka dimo na iniinda dahil need mo mag asikaso ng anak.kahit pagod na pagod kana sa trabho kikilos kapa din sa bahay at isasakripisyo ang pagtulog at pagpapahinga para lang maging maayos ang lahat sa bahay.

VIP Member

Wala ng 5 minutes ang ligo mo. Madalas ng di ka na makaligo and di ka na makakain ng maayos parang di ka na mabusog 😂 di ka na din makatulog ng diretso. Maya’t maya talaga nagigising ka para icheck si baby

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles