29weeks (Monthly Check Up)

Nananahimik lang ano pero sobrang nasasaktan na ako sa mga nangyayare, saan ba ako dapat? anong dapat ko gawin? anong dapat ko sabihin? Vitamins, pagkain, ultrasounds, laboratories, ngayon pati check up kina-cancel mo na din? check up ko ngayong month sinabi ko yun sa partner ko ngayon lang pero ang sagot nya "ngayon? love next month nalang sabay sa ultrasound please" okay lang ba na hindi ako makapag pacheck up kahit ang dami dami ko ng nararamdaman? katulad nh madalas na paninigas ng tyan? ano pa bang maka-cancel? ano pang titiisin ko? #pleasehelp #advicepls #pregnancy

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

okay lang din naman kahit hindi sya makasama yung maramdaman ko lang yung full support nya okay na ako dun 😅 pero iba kasi yung sinasabi nya sa mga pinaparamdam nya, dito sa bahay kahit pa sinabi ko na nahihilo ako, ako pa din ang gagawa ng lahat, luto, walis, laba habang sya naglalaro lang. yung mga maliliit na bagay na kaya nya naman gawin hindi nya ginagawa opo alam ko nagtatrabaho sya pagod sya siguro nga ako yung hindi nakakaintindi puro sama ng loob yung binibigay sa kanya dahil lagi ako ganito pero iba kasi. Ang gusto ko lang maramdaman fully yung care nya samin sinabi nya na babawe sya sa pagkain at iba kasi alam nya naman yung naging sitwasyon namin sa bahay ng parents ko one time napansin ng 5years old na anak ko na ako yung kumikilos kahit nahihilo ako sinabi nya na sana daw dun nalang kami ulit sa bahay ng parents ko kasi dun hindi ako yung palaging nakilos dahil madali akong mahilo sa konting kilos yung matagal pa kaya.

Magbasa pa