29weeks (Monthly Check Up)

Nananahimik lang ano pero sobrang nasasaktan na ako sa mga nangyayare, saan ba ako dapat? anong dapat ko gawin? anong dapat ko sabihin? Vitamins, pagkain, ultrasounds, laboratories, ngayon pati check up kina-cancel mo na din? check up ko ngayong month sinabi ko yun sa partner ko ngayon lang pero ang sagot nya "ngayon? love next month nalang sabay sa ultrasound please" okay lang ba na hindi ako makapag pacheck up kahit ang dami dami ko ng nararamdaman? katulad nh madalas na paninigas ng tyan? ano pa bang maka-cancel? ano pang titiisin ko? #pleasehelp #advicepls #pregnancy

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kpag buntis required na monthly prenatal check-up para maensure na healhty at safe ang bata at ang mommy. obligasyon ng magulang na makasigurado na maiibigay ang lahat ng needs ng anak. kulang po ba sa pera kaya hindi makapag pacheckup? merong health center libre ang vitamins. if malapit sa public hospital I belive mura or libre pa minsan ang laboratories at panganganak. kapag ang lalaki/tatay ay hindi kayang mapunan ang needs ng mag-ina. Thats the time na need mo ng mag-isip "Anong magiging future ng ank ko sa lalaking toh" thats the time na need mo na magsariling sikap. kasi walang responsableng tatay na gugutumin,ipagliliban at bibigyan ng sakit ng ulo ang asawa at anak.

Magbasa pa
3y ago

well said po ☺ swerte ko sa asawa ko ni minsan di nya kami pinabayaan ng baby ko kahit pareho naman kami may trabaho.pag checkup ko sinasamahan nya pa ko,pag may time tinatamad ako pa checkup kasi katamad kumilos nagagalit sya di daw pwede yung ganun.if i were you momsh mag isip kana kasi ngayon pa lang check up ng baby mo parang walang syang paki what more pag lumabas baby nyo mas madami na gastos.