1 Replies

same mi, ranas ko rin yan nung namili kami ng pang handa before Christmas sa market kasama ate ko. habang hinihintay ko sya dahil namimili sya ng damit bigla nalang parang sobrang gaan ng katawan ko as in tapos umaalog yung paningin alam ko ng pwede akong matumba kaya bigla akong umupo. walang kaalam alam yung ate ko sa nangyayari sakin. nagrelax lang ako sa upuan pero ramdam ko parin talaga na matutumba ako at gusto na rin pumikit. nilabanan ko lang talaga kasi nakakahiya naman at baka pagkaguluhan pa ako dun. then dun na ako nahalata ni ate kasi tagaktak yung pawis ko sa noo.

kaka 3 months lang po nun

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles