Miscarriage

Nakunan ako April pa huhu until now di parin ako nabubuntis. Baka po may mga tips kayo kung pano mabilisang mabuntis pag galing miscarriage😔

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nakunan din ako last year april, nag take lang ako folic acid,myra e. Folic para maready yong matres ko since galing nga sa miscarriage. more on gulay kami ni lip,nilagang okra madalas kasama every meal namin yan. Since pareho kaming busy sa work,though sa iisang company lang kami. Di mona namin inintindi or pinursue na magkababy uli,pero nagpipray ako/kami for another baby. Fucos sa work, di namin akalain buntis na pala ako nung Feb kaya pala apaka emotional ko,mainitin ulo sobra. 33weeks na ko preggy now,malapit na manganak and napakalikot ng aming Baby. Pinaka nakatulong tlga saken yong Folic and myra e,diko naubos myra e and folic madalas nakakalimutan pa pero thankful ako sa blessing na natanggap namen 😇🙏

Magbasa pa

just to share lang mommy.. nakunan din ako last April. my baby was 22 weeks that time (1st pregnancy).. pero now preggy na ulit ako.. were now at 13w2d.. Calendar method lang din ang ginawa ko ever since dahil regular naman ang cycle ko. Also sinunod lang din ang advise ni OB na magtake n din ng folic acid if we are trying to concieve para daw mas maprepare agad ang katawan at uterus.. within 3 months after ko magkamiscarriage, nagbuntis n ulit ako.. and also, pray lang din mommy and trust sa plan ni Lord, ibibigay nya ulit yan. :)

Magbasa pa
2y ago

hi mi.. nawalan n lang ng HB si baby.. wala din nasabi sa akin si OB na reason kase from the start ng pagiging preggy ko parang di pa tlaga para sa amin si baby.. what i mean is, naging sobrang selan kasi ng pagbubuntis ko from the start.. tapos lagi n din akong naka duphaston, isuxoprine, and nag heragest na din ako.. nagkasubchorionic hemorrhage din ako.. on bedrest for more than 3 months hanggang sa nawala si baby.. nawala naman ung hematoma ko and sobrang saya ko pa nga kase ang ganda din ng HB ni baby noong ultrasound ko noong 1st week ng april.. 3rd week ng April noong nag-ultrasound ulit and wala ng syang HB.. sabi ni OB masakit man, kailangang tanggapin na baka di para samin si baby.. di naman kmi nagkulang sa pag-aalaga, pagtake ng vits, and always ako nagpapacheckup.. Even sa histopathological report walang nakitang problem sa pregnancy ko even sa placenta..

VIP Member

Silent miscarriage din ako last December 2021, naraspa ako dec 18, 2021 then January 22,2022 naconfirm 2nd pregnancy ko. Nanganak ako last sept 20. I suggest na magpaalaga ka kay Ob although hindi niya ni recommend na mag buntis ako agad pero ayun nga nag conceive agad kami. Nag healthy diet si hubby, pati ako. Continues ng folic acid, hindi namin masyadong pressure na "kailangan namin magsex just to have a baby" sabi ni Ob enjoy and savor the moment kailangan both kayo nag eenjoy. Kaya mamsh wag ka mapressure.

Magbasa pa

Nakunan ako ng Feb tapos nabuntis ng July. Nag go signal lang si OB na okay na magbaby June onwards. Quatrofol po and aspirin tinatake ko after ng miscarriage prescribed by OB. Know your ovulation day po kung regular kayo. And pray po na ipagkaloob ulit sa inyo. Pero wag mapressure. Darating din po ulit ang baby lalo na you are capable of conceiving.

Magbasa pa

nakunan din ako, pero last year un ng June, niraspa din ako that time, sabi ni Ob take rest muna ang matres, mejo weak pa yan, mag take muna ng mga folic acid and other vitamins. nag buntis ako this yr na, im 29weeks preggy now so far okay na. take rest lang muna sis, wag masyado ipressure ang sarili. pray lang po ibibigay din yan ni lord

Magbasa pa

ako mamshie bago palang ako magplan na mabuntis ay nag pprenatal milk na ako and hemarate-fa, nagtatake lang ako since ang nasa medical field naman ako at walang abiso ni OB. Nung nagsama na kami ni mister since were both long distance ay nabuntis naman agad ako.

nakunan din po ako last november lang then nabuntis po uli ako ng april akala ko matagal tagal uli before ako mabuntis pero ayun i'm 24 weeks preggy now 🥰, always pray lang mommy ibibigay din ni looord yan❤

sabi nila kapag galing sa MC mas mabilis ma preggy.. try po gluta with vitamin C W/ zinc and try nyo po mag buy ng ovulation kit pra mamonitor nyo if kelan kau fertile then thats the time na mag do kau ni hubby.

Myra E, folic acid at vit C mi☺️ nakunan ako last March 2022 at currently 12 weeks pregnant na ako ngayon. Yan po tlaga maintainance ko. At syempre healthy life style din po

2y ago

sameeee 18 weeks nako now. may miscarriage din ako. ung myra e and vit c para lang sana self care ganun. wala kong idea na makakatulong sya. tas ung folic acid sabi daw kse makakapagpagaling daw ng matres mula nung naraspa. ayun gulat nalang ako. buntis nako netong june. Nageexpect naman ako lagi na sana mabuntis nako. kaso kase tumagal ng 7 mos bago ako mabuntis ulet kaya kala ko matagal pa ulet bago magkababy. pero ayun na nga kakaresign ko lang sa work and plan magwork sa bpo pero di din ako nakatuloy kse maselan 🤣 thank you lord padin at meron nakong lumalaking blessings sa tyan.

VIP Member

Mamsh, wait until your body is ready and remember don't stress yourself dahil sa pressure of pregnancy. Your body knows kung kelan ka mag cconceive wag mo madaliin. 😊