No heartbeat

Meron po ba dto na no heart beat si baby ng 7 weeks pero nag subok mag pa second opinion pag balik nag ka heart beat naman? Nakakalungkot ung tvs ko ngayon😭

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako po nung sa 1st baby ko, 7weeks din po no heartbeat sa trans v. then binigyan ako pampakapit after 1week bumalik ako wala parin talaga heartbeat si baby :( Then naka schedule napo ako for raspa non, Nag pa 2nd opinion po ako pinabasa ko sa ibang OB wala daw po talaga madetect na heartbeat kasi nagkaroon po ako ng Subscrionic hemorrage :( Or pagdurugo sa loob, then nung niraspa nako Sobrang durog na pala ni baby kasi sobrang stress at tagtag sa byahe

Magbasa pa
2y ago

Try for second opinion po. Siguro wait ka ng 1-2 weeks for another TVS. Pray and eat healthy. Wag ka po magpapastress.

7weeks ako nagpatrans v may heartbeat na c baby pero may subchronic hemmorage ako. sabi balik dw ako after 2weeks hindi na ulit ako nagpatrans v one month nq bumalik sa ob ko at bngyan ako ng papel pero for pelvic na.. aun nawala na dw hemmorhage ko.. nagbedrest lang ako saka lagi ko ulam gulay at isda .at prutas din

Magbasa pa

Ako po nung 15 weeks and 20 weeks ako hindi pa din rinig sa Doppler ung hearthbeat ni baby kaya ng pa ultrasound na ako, okay naman si baby at my heartbeat naman🥰 Super nakaka kaba nung hindi marinig heartbeat pray pray lng tlga ang ingat tayo plge.

at 6w3d wala pa heartbeat baby ko. I waited 2 weeks to confirm. ayun at almost 9 weeks may heartbeat na. minsan di din maganda early TVS lalo pag wala pa HB ang baby, nakakacause ng worry sa mommies. wait ka lang momsh then parepeat TVS and pray!🙏

maaga pa naman yung 7 weeks. wait ka muna or pasecond opinion ka sa ibang OB. kung first ultrasound mo naman yan pwedeng hindi pa madetect kasi maaga pa. may mga nabasa ako ako dito 10 weeks pa nakita yung heartbeat. first ultrasound mo ba yan?

try mo po muna magpa ultrasound sa iba. tapos compare mo po yung results. then ask mo yung OB kung maghihintay pa ba ng another 2 weeks to check kung may heartbeat. magpray lang po kayo. wag muna masyado mag worry.

2y ago

Ay ganun pray lang po..

Sa ka workmate ko ganyan e nag pa second and third opinion sya until nakita nila ang heartbeat kaso sobrang risky na need nya na mag bed rest awa ng god ayos na ang baby nya sa tummy nya

2y ago

ilan weeks nya nung hindi madetect ang heartbeat? .

sakin po 7weeks and ,5days my heartbeat na pa tvs kna lng po after 1week kc ung iba 8weeks n nagkakaron ng heartbeat wag k muna sumuko pray k lng lge ky god at kausapin mo dn lge c bby

ako din ung una ko pag papa checkup no heart beat kaya nanlumo din ako nun. pero ung nag pa ultrasound ako malakas naman din si baby. ewan ko lang sa ospital na una ko checkup.

me April 23 nung nalaman ko walang heart beat si baby nag stop siya mag develop at 7 weeks, reseta primerose Monday April 25, 12:57am lumabas na siya😭🥺

2y ago

Mami ask ko lang kung pinasarpa mo pa or kusa nlang lumabas c baby’ kasi akoo no heartbeat kakacheck up ko lang ’ lumaki c baby 8 weeks. Pero d nagtuloy ang development.