Breastfeeding beliefs..

Nakakatawa na nakakalungkot. Dto sa Pilipinas, pag afford mo mag formula pwede ipagmayabang. Un bang pag nagpabreastfeed parang pulubing pulubi ka. Sobrang nanghihinayang ako na di ko na exclusive breastfeed baby ko hays sa mga mommies na napaka supportive ng family sa kanilang breastfeeding journey, mahusay po.. This is my second baby i thought i know everything. Exclusive breastfeed kasi baby #1 ko so akala ko ganun mangyayari. Hayy. Anyways, sana mawala ung ganitong feeling ko. Ung naiiyak na lang ako minsan kasi mas gustong formula ipafeed kay baby kesa sa breastmilk ko. Though nafifeel ko naman din minsan na drained ako since di na nga unli latch si baby sakin. Hayys..

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung kaya niyo po,sis,I continue niyo pa rin ang magpabreastfeed.Kung di naman na po unli latch si baby sa inyo pwede po kayo magpump para po kahit paano may reserve kayo para kay baby na milk. Oo mahirap talaga magpadede pero para sa anak natin kinakaya natin.Kung feeling niyo po nadradrain po kayo pwede po kayo magpareseta sa OB niyo na pwede niyong inomin na vitamins po.Laban lang,sis.Kayang kaya mo yan.

Magbasa pa
5y ago

Nakakadepress na naiiyak na lang ako minsan. Nagtry ako magpump 2oz lang minsan di pa umaabot. Kaya nawawalan ako ng pag asa.