6months preggy

Nakakatakot talaga palang magbuntis lalo na 20 palang ako ngayon kasi habang nagkukwento yung magulang ko tungkol sa panganganak parang unti unti akong pinanghihinaan ng loob not sure kung makakasurvive pag dumating na yung puntong manganganak na😥 sana kaya ko sana may mga taong pinapalakas Ang loob ko at sana isa na dun sila mama , lagi naman akong nagdarasal na Sana maging okay yung pagbubuntis ko at ako Sana safe kami ng magiging anak ko☺️🥰

45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy I feel you. But my pregnancy was planned. Pero nung nalaman ko na for real na buntis na ako, halo halo naramdaman ko, ang dami pumasok sa isip ko like am i really ready for this, kaya ko ba? Hindi na ako makakagala, hindi na ako makakapag night out, hindi na ako makakapag tournament sa mga buddies ko, at yung pinaka malala is yung panganganak, all through out my pregnancy nandun yung takot ko manganak, nauuna kong naiisip yung sakit. Palagi ako nagdadasal sa gabi na sana smooth ang delivery ko, pero kapag nandun ka na sa moment na yun, maiisip mo na lang na gusto mo na makita si baby. Nung naglelabor ako kinakausap ko sarili ko na kaya koto, maya maya lang magkikita na kami ni baby, pero after 10 hrs of labor na ECS ako, but all the pain was worth it kapag nakita mo na si baby. I swear mararamdaman mo yung kakaibang ligaya na ngayon mo lang mararamdaman. Magdasal ka trust in him, he is always listening. We are here for you. ❤️

Magbasa pa

mas mabilis po manganak if bata pa wag ka po pang hinaan ng loob😊 im only 17 nung nagbuntis at nanganak pa 18 palang,ako lang mag isa nagpapacheck up ayaw ako samahan ng nanay ko kasi galit pa sya nun at pati nung habang naglalabor ako at nanganak saka lang dumating asawa ko(sundalo kasi).. 😅 now im 25 yrs old at kasal na kami ,preggy in our 3rd baby.agwat ng mga edad ng mga anak ko 😊 7 yrs old panganay .mag 5 yung pangalawa 😊

Magbasa pa
4y ago

Not true. Depende pa din yan sa katawan ng nagbubuntis at sitwasyon ng baby. Sis in law ko 40 years old nanganak 1 hour labor lang labas na agad ang baby niya normal delivery.

7months preggy here☺️ mas bata papo ako sayo mummy hehe, ganyan din po ako iniisip ko minsan na baka hindi ko kaya, natatakot din po ako lalo na breech po ang baby ko, pero dasal lang at be positive lang po kaya naten to☺️ gagabayan po tayo ni god andyan po sya kung wala andyan para sayo lagi mo lang po syang kausapin. kaya naten to mummy pagtapos neto sobrang worth it naman po dahil may blessing tayong niluwal. keep positive lang po☺️

Magbasa pa

wag kang kabahab sis, 20 yo lang din ako nagbuntis ako nagaaral p ako nun nakagraduate ako. nanganak ako 21yo lang ako. cheer up! lahat ng bagay kakayanin mo para sa anak mo, CS mom ako sis, sobrang hirap sobrang skit pero kinaya ko para sa baby ko. 4yo na siya ngaun kuya n siya kasi manganganak nko ulit anytime. basta pray lang! di ka papabayaan ni Lord

Magbasa pa
Super Mum

Mommy wag kang mgpadala ng takot mo pg mtakot ka po ma cs ka po tlga nyan. Have faith po always be stong and pray lang tlga always.Nothing is impossible with God. laban lang po. wag ka po mg isip ng negative hindi lahat ng nanganak is nahirapan.. depnde po tlga yan satin.. kaya laban lng mommy! Godbless

Magbasa pa

ganyan din sakin psinasabi na agad ni mama ko kung pno manganak at sobrang masakit daw di po yun pag dodown kundi yun po ay payo ok lng po yun ang dapat nting iexpect kase napagdaanan nila at para maalam natin ano iexpect ntin pag manganganak na😊 intindihin nalang po natin mothers know best

Super Mum

Don't think too much momsh. Tulungan nyo po ang sarili nyo, kain kayo ng mga healthy foods at alagaan nyo sarili nyo magpalakas po kayo and be ready for that big day. Totoong masakit manganak pero ganun po tlaga wala na pong magbabago dun kailangan natin pagdaanan yung para mailuwal si baby

mas mabilis po manganak if bata pa 😊 im only 17 nung nagbuntis at nanganak pa 18 palang .. 😅 now im 25 yrs old preggy in my 3rd baby.So far d naman ako senermunan ni dra.kasi ok lang naman daw po agwat ng mga edad ng mga anak ko 😊 7 yrs old panganay .mag 5 yung pangalawa 😊

https://www.facebook.com/groups/346684036702961/?ref=share You might want your PREGNANCY PICTURES edited po. 🙂 For as low as 30 pesos po. Gawin nating mala photoshoot ang pictures niyo. Thank you and Godbless us all. Just click the link above para mapasama sa group.

Magbasa pa

Kaya mo yan mamsh at kakayanin mo para sa baby mo... Tiwala lang kay God... 😇🙏Sana healthy din si baby mo... Wag mo muna isipin masyado panganganak mo... Enjoy mo lang na nasa tummy si baby... Ako din kinakabahan pero mas excited ako makita baby ko... 😁

Post reply imageGIF