15 Replies
Bumukod na kayo mi, saken kasi talaga umalis ako sa pamamahay nila.. di ko na kasi kaya yung paninirang ginagawa saken ng biyenan ko, kapatid at tiyahin nya maski anung kilos mo hinuhusgahan Pati pananampalataya ko Kay Lord ay hinusgahan na parang wala nang makitang Tama. 3yrs pa lang po kaming mag-asawa namatayan pa kami ng anak😔Akala ko totoo lahat ng mga pinapakita saken Yun pala puro kaplastikan lang at dumating pa sa point na kinucurse na ko ng biyenan ko😔Nalaman Kong lahat ng mga pinagsasabi sameng mag-asawa, kaya sinasbi ko agad Kay mister. Buti na lang at di sya tumanggi na ilayo ako. Ngayon nabukod na kami sa kanila, kaya nagkaroon na kami ng peace of mind🥰 basta't ipagkatiwala mo lang lahat sa Diyos, sya mag-aalis sayo sa mga taong di mo dapat pakisamahan..
i feel you mi, doon kc ako sa inlaws ko every time naanak ako kc wala namn kmi kasama o malapit na kamag anak sa manila. wala cla respeto sa privacy ko, tipong ngbibihis ako bigla bigla papasok, kht ngpapalit ako ng napkin at kakapanganak ko palang ndi man lang lumabas mkikipag kwentuhan pa mga tita ng partner ko, tas may time nagpapadede ako ee bigla hahalikan c baby ko mkikidede din ata. grabe stress ko nun kaya pinipilit ko talaga mgpalakas agad para mkauwi kmi. tas sa toddler ko namn panay nila pakain ng matatamis kht anung pahaging ko na wag maxado pakainin wala nkikinig sakin, cnsabi ko namn lahat sa partner ko pero puro lang pakisuyo na kunting tiis kc nga mahihirapan ako if bigla kmi uuwi ng manila. palakas kah mii! sana mkalipat na kau
Hindi ho kasi pwede talaga na 2 ang reyna sa iisang bubong. Simple lang naman po solusyon sa problema niyo,bumukod po kayo. Kung ginaganyan ka naman ng MIL mo sa sarili niyong pamamahay in case na nakabukod na kayo,edi paalisin mo siya. Ganyan din MIL ko dati,bumukod kaming mag-asawa kasi tamad daw ako,pero ang totoo di talaga ako pinapakilos ng asawa ko dahil buntis ako,tapos after namin bumukod,sila naman itong sumunod,shempre,pinalayas ko sila, certified maldita kaya ito,ulol ba sila, pagbuhulin ko pa silang lahat kasama ng mga hipag ko. Now,ang advice kolang sayo,maliban sa bumukod kayo,,wag mong pagimitin ng gadget anak mo,wala pang 2 years old yan babad na sa gadget,masama yon.
i tried po dati na mag open sa kanya, kaso nag aaway sila ng magulang nya tas lumalabas na masama ay ako. na sumbungera ako tas nasstress pa si hubby. sinabihan ko na din sya dati kako na if di palaging ganon magulang nya uuwi na lang kami ng anak ko sa side ng mother ko pero hindi ko sya isasama. nung una kasi pag nag oopen ako sa kanya laging nyang sinasabi na hayaan ko na lang tas ipapaliwanag ko na hindi ko pwedeng hayaan yun dahil ako yung nanay ng bata,
as long as dika naman sinasaktan or minamaltrato hayaan monalang, may ganun talaga na nga inlaws pero try nyo mag bukod ng bahay di kasama inlaws mo for sure mamimiss kayo at iwas away
Wag mong sarilinin mi, dapat sinasabe mo yan sa mister mo kc family nya yan. Saming mag asawa magkatabi lng talaga pinto ng bahay namin ng mother nya, kada may maririnig akong di maganda or may ginawang di tama sinasabe ko agad kay husband kc sya lng naman ang pwde makipag usap sa mother nya, ang pangit nman kc if ako yung magsasalita. mas ok yung masasabe mo sa asawa mo para maiayos nya mi.
Alam ko nagvi-vent out ka lang, pero don’t be a push over. Sa experience ko mas naging maayos situation namin nung ini-involve ko na asawa ko. Kasi responsibility niya i-handle family niya, matic na yun, mas willing sila makinig kung family nila nagsasabi, kasi tayo madalas trato satin outsider.
Maganda idea ng husband mo, mabuti po naiisip niya yan. Maganda rin na naiintindihan ka ng husband mo. Ayaw man natin silang mastress, pero wala kasing makakatulong satin kundi sila lang, dahil sila ang anak ng parent in law natin. God bless po, sana maging maayos na para sainyo ang situation.
Leave and cleave. Bumukod na kayo. Kung di pa kaya, better to communicate it to your husband. Sya dapat ang kakausap sa parents nya. Pero kung ayaw nyo talaga ng napapakialaman kayo, better leave. Hindi pwedeng dalawa ang reyna sa isang tahanan.
Hello Mi, valid naman po emotions niyo. Always po talaga may comment mga people around us. Pero I think mas better po siguro if you share it with your husband. Mas maigi po if sila kakausap sa Nanay nila.
thanks mii. naopen ko na kay hubby tas sabi ko bago nya sitahin e hulihin nya muna. sumusunod naman po
kaya mo yan, minsan trials yan sinusukat ka hanggang saan ang pasensya mo pag iba ipinakita mo sakanila pagpasensyahan mo dahil minsan jan ka mas lalong mamahalin ng asawa mo.
Kausapin mo si hubby mo mii baka pwede na ibukod na kayo para may peace of mind saka madidisiplina mo na anak mo ng walang nangingialam
Anonymous