Pagod na ako mga mie

Nakakapagod na talaga. Ung pakiramdam na walang support system kahit saluhin sana nila ung pagod at puyat ko everyday ay wala. Sana pala sa province na ako nanganak. At least kahit papaano ay may makakasama ako. Dito husband ko puro reklamo na puyat daw siya at pagod na. Paano naman ako. Napapagod naman ako. Kesyo may work daw siya. Siyempre andoon na ako. E ung ginagawa ko ba hindi ba nakakapagod. Kung alam ko lang na ganito pala siya sana talaga umuwi na lang ako sa province namin. Nakakainis. Ito ngayon tulog siya,pagod sa xmas party nila hahaha. Mabuti pa siya. Iniisip ko na lang talaga na umuwi kaso hindi pa pwede at 1 month pa lang kami ni lo. Ang dami ko ng naiisip dahil sa pagod at puyat ko,ung feeling na gusto ko na magpasundo sa amim kaso nakakahiya ayokong siyang mapahiya. Sorry mga mie ito na naman ako,hindi ko na kaya ugali niya. Nag usap na kami about diyan kaso isang araw lang niya ako tinulungan tapos balik ulit siya ugali niya. Nalimutan ata nila na asa stage pa ako ng recovery gawa ng cs ako.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Better go home kung saan mas makaka recover ka. Wag mo na isipin ung kahihiyan ng asawa mo kung in the first place di ka nmn nya inintindi at sinuportahan. Hindi madali ang postpartum period, lalo CS ka pa. Unahin mo muna kalagayan mo at kung ano ang best para sa baby mo.

mas better po if mag usap kayo kung hindi naman maaayos mas okay na umuwi ka na mi para sayo at sa bb mo, hindi ka makakarecover lalo na pag nag stay kapa sa sitwasyon na yan hehe

Go home. Mas mapapadali recovery mo if you have peace of mind. Whatever way na pwede, just go home. 😟 Your husband does not help you kaya better uwi na lang.

same😩