Pa-Share lang ako mga Ma!

Nakakapagod din palang magpanggap na Wala lang lahat no? Maging bingi at bulag sa sitwasyon. Maging manhid kahit nauupos kana sa sakit. Hindi naman kami ganito, Hindi ito yung nakita kong sitwasyon namin ng asawa ko sa future lalo na at may anak na kami. (kakapanganak ko lang 2months ago) Nagsisimula palang kami sa pamilya na binubuo namin pero parang unti-unti ng gumuguho sa dami ng di pagkakaintindihan na kahit pag usapan imbis na magkaayos lalo nasisira, lalo nagdadagdagan yung sakit at rason mo para kumawala sa relasyon na meron kayo. Wala kang masabihan sa mga hinaing mo kasi ibabato nila sayong "Ginusto mo yan, panindigan mo". Mga ma, gusto kong umiyak pero di ko pwede ipakita sa kanila na mahina ako. Gusto ko ng magpahinga. Napapagod na ako 😣 Ang sakit lang maayos naman kayo, walang third party involved. Pero yung emotional abused ang hirap eh. Tapos makikialam pa yung mga inlaws mo na dapat kayo yung nasosolve ng problem together sila pa lalo yung nagbibigay ng isa pang problema. Bigat na bigat na ako mga ma :((( tuwing titingnan ko si baby nagso-sorry ako kasi feeling ko di ko sya mabibigyan ng complete family 😞 ang unfair sa kanya kung uunahin ko pa yung sakit na nararamdaman ko kesa sa welfare nya in the future, ang hirap mga ma. Sobrang bigat na ako 😞

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pray Mommy! Kaya mo yan. Gawing motivation si Baby ❤️ If possible di madadaan sa maayos na usap with Hubby, Pray and be positive. Pagod pero lalaban Mommy! Stay positive for yourself and Baby 👶 God bless! I hope macheer ka with this simple message ☺️

Super Mum

it is never selfish na unahin ang sarili lalo if it involves your sanity. pray for discernment, if you cant talk it out, write and cry it out.💙❤