Nakakapagod. Ako lang ba dito ang may asawa pero parang wala? Hindi naman kami hiwalay at in good terms kami ng hubby ko. Pero simula ng magka first baby kami halos ako ang gumagastos. Ngayon na mag ffirst birthday na ang anak ko, ako pa din ang shoulder sa lahat ng bayarin. Both of us are working po, mas malaki nga lang po ang sahod ko kaysa sakanya dahil nag wowork po ako as government employee. Normal naman po na mafeel ko n mapagod lalo na kung wala sumusuporta. At dapat bilang tatay sana nagpprovide din naman siya kahit para sa anak na lang. Inuna pa po niya ang ibang tao kaysa sa sarili niyang pamilya.