di ko mapatahan si baby

Nakakalungkot mga sis kasi ako mismo nanay niya bakit parang ayaw sakin ng baby ko di ko mapatahan minsan. Madalas ko naman siya mapatulog pero minsan oag umiiyak siya ayaw niya huminto Kahit ako gawin ko tapos pag kinarga siya ng biyenan ko tumatahan siya. Lalo ako nalulungkot kasi sabi daw pag di mo mapatahan baby mo lalayo loob sayo.. Posible po bang ganun yun? Thanks po

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po ako nun. Mas napapatahan sya ng lolo nya. Mas gusto nya ng mas mainit. At minsan din kasi kinakabag pla si baby kaya sya iyak ng iyak. Si lolo nya nghihilot kaya nakasanayan nya na lolo nya. Kaya ang ginagawa ko ginagaya ko na lang ginagawa ng lolo nya sa kanya. Mahirap sa umpisa kasi pero makakasanayin ka rin ng baby mo kahit papano. Basta kalma lang momsh. FTM din here 😘

Magbasa pa