35 Replies
Minsan kasi mga momsh may nababasa din ako about preg test na negative naman then popost pa kung positive? Di ba po may instruction naman sa box ng preg test? Makita naman nila kung ano itsura ng positive at negative test. Ginagawa ko kasi mga mommy para di ako nagpost to ask search ko ung tanong ko may lumalabas naman tapos nagbabasa ako. Triny ko lang naman. Para saken lang naman po yun. Wala po sana magalit.
Truly! Hindi rin naman lahat ng pregnancy at style ng child raising the same kahit nga magkakapatid magkakaiba personality nila kaya iba technique sa pagpapalaki. Hindi rin naman porket maraming anak na expert na agad, ako nga dito sa pregnancy ko na to ang dami kong tanong kung normal lang ba yan kung ok lang ba yan kasi iba siya sa mga previous pregnancies ko.
so true sis! and take note mas madaming preggy na FTM ang madalas mag ask dto and emotional yang mga yan imbes na makahanap ng sagot sa tanong nila mababash lng maiistress pa ending si baby ang kawawa.. kaya minsan di ko dn mapigilan makapag comment pag may nang babash na akala mo alam nya lahat sa mundo..
Agree din ako sayo momsh. Pwede naman magscroll pass na lang yung iba at dun na lang sa mga questions na ppwede nilang sagutin ng maayos sila magcomment. Mga patol din e, parang di magaganda childhood at kulang sa pagmamahal kung magalit. Lalakas pati ng loob at naka anonymous. Di din ata natuto ng GMRC.
agree po .. yung iba po na mainitin ang ulo at madaling maiinis dun sa mga simpleng tanong ng mga kananay natin, quiet na lang po sana kayo.. kasi kung papatulan nyo pa, di na kayo nakatulong, sumama pa loob nong tao .. be nice po sana.. di po lahat may knowlegde ..
I agree. We should all be kind. Pero may times kasi na sobrang common sense talaga ng sagot sa tanong nila. Minsan din, especially yung health concerns, wala naman makakasagot properly except doctors or experts. Pwede pa ikasama yung sagot if hindi naman galing sa professional.
Yes, I agree naman na may mga questions na doctors lang ang makakasagot, pero sana hindi na i-bash ng ibang mommies. May mga nababasa kasi akong comments like "ang tanga naman ng tanong mo" which is not necessary naman. Pwede naman nilang sabihan politely na magconsult sa doctors :)
Ignore nalang sana kung feeling nila kinulang sa common sense yung nag post. Wag na sabihan ng mga harsh words kc buntis Yun eh, sensitive masyado. Yung iba nag tatanong kc walang ibang makausap like walang nanay or in laws na pwd mag advise. Respect nalang
true sis. Some moms or moms-to-be just want other people’s opinion to validate their feelings or experience. minsan matagal mg sink in or others are too young to understand the whole pregnancy/motherhood journey. kindness goes a long way.
Agree! marami kasing feeling eh. Sana nman maging sensitive sila lalo na minsan buntis po yung nagtatanong. Sana e consider din nila yung feeling ng ibang tao bago sila mambash at magcomment ng nkakasakit ng damdamin.
kaya nga eh kaya nahihiya ako mag ask dito kc sa past na post ko nagtanung ako binash lang ako..😓 first baby ko palang pinagbubuntis ko kaya wala ako masyado alam.kaso nabash ako kaya nahiya na ako mag post.😓
Anonymous