Faint positive?

Nakakalito kung valid ba to or hindi? May naka experience na po ba n ganito yung PT? Malabo

Faint positive?
33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Oo, naiintindihan ko ang iyong nararamdaman. Nakakalito nga minsan kapag ang resulta ng pregnancy test (PT) ay faint positive. Pero huwag mag-alala, maraming ina ang nakakaranas ng ganyan. Ang faint positive line ay maaaring mangahulugan na positibo ka sa pagbubuntis, lalo na kung ginawa mo ang test sa unang bahagi pa lamang ng iyong missed period. Narito ang ilang hakbang na pwede mong gawin para makasiguro: 1. **Gumamit ng Ibang Brand ng PT**: Iba-ibang brand ng PT ay may iba't-ibang sensitivity. Subukang kumuha ng ibang brand at ulitin ang test pagkatapos ng ilang araw. 2. **Gawin ang Test sa Umaga**: Ang unang ihi sa umaga ay mas concentrated kaya maaaring maging mas malinaw ang resulta. 3. **Konsulta sa Doktor**: Pinakamabuting kumonsulta sa iyong OB-GYN para sa isang blood test o ultrasound upang makasigurado. 4. **Intayin ang Ilang Araw**: Minsan, mas nagiging malinaw ang resulta kapag naghintay ng ilang araw bago ulitin ang test dahil tumataas ang level ng HCG hormone sa katawan. Kung ikaw ay naghahanap ng mga suplemento habang hinihintay ang kumpirmasyon, maaari kang mag-check ng mga produkto dito [Mga Suplemento para sa mga Buntis at Nagpapasusong Ina](https://invl.io/cll7hs3). Ingat at good luck! https://invl.io/cll7hw5

Magbasa pa

na experience ko po yan! first take ko ng PT sobrang labo ng pangalawa guhit kaya i thought it was negative but i tried it again kasi po 2months na ako delay talaga hahaha after 1 week nag PT ulit ako for the second time at yun po as in dalawang dark red talaga! So baka po masyado pa maaga kaya di madetect sa pt katulad ng nangyari po sakin try mo po ulit yan mga ilang araw o weeks.

Magbasa pa

Ganyan din po yung akin,pero bumil pa rin ako ng dalawa na pero positive talaga. Kaya nung nag pa check up na ako. Mag 3months na pala. Akala ko kasi hindi na kami mag kaka anak ng partner ko kasi mag 9yrs na kami ngayong taon.Pero shock ako. Thank you Lord hindi namin enexpect ang blessings na matagal na naming hinintay.🥹

Magbasa pa
1w ago

congrats Mamsh!🤗❤️

Ganyan din first pt ko. Di tlga ko nag expect kasi delay tlga menstration ko minsan 2month or 3months di ako nagkakaroon. Then Feb. 27 this year sabi ng asawa ko mag pt ako kasi nag gi'gym kami at nagpositive sya. Nung una ayoko maniwala dahil my PCOS ako after ng 3 times ko inulit nun araw na un at lahat positive. Sobrang saya ng puso ko na may halong takot.

Magbasa pa

try ka ulit after ilang days or after a week. mas malabo pa sakin dyan sis. pero positive ako. early pregnancy pa kaya di pa masyado madetect. bihira lang daw yung false positive kasi nadedetect ng pt yung hcg na magkakaron lang kapag buntis ka.

ganyan din result ng akin kahit faint line yung second is postive pa din sya . ang megative is isa lang tlga ang meron tapos yung isa wala ka talagang makikitang bakas. pag ganyan kasi result you need more weeks para mag clear ang second line

ganyan din saakin nung una pero umulit ako ng tatlong bisis negative na last april15 pa regla ko till now wala na 🥺 diko alam kung buntis ba talaga ako or ano 😥

1w ago

ito oh 🥺 diko alam kung buntis ba talaga ako ....umulit ako ng tatlong bisis iba ibang araw pero negative na eh 😭 pero lge akong nahihilo at nagdidilim paningin ko😮‍💨😮‍💨

Post reply image

pwedeng negative, try ka ulit next week. sakin non faint line din kala ko positive. pumunta ako sa OB, nag blood pregnancy test, turned out, negative pala.

Hi po, nagp.t ako kagabi, isang line lang siya , pero nung tinignan ko kinabukasan ung ginamit kong p.t nagkaroon na ng line pero malabo, ano. Pong meaning nun?

Post reply image
1w ago

kung lampas na sa time na naka indicate sa pregnancy test bago makuha ang resulta, hindi po yan positive dahil kung lagpas 10 minutes na at tsaka pa may pangalawang linya, yan po tinatawag na "evaporation line". lalabas po yan dahil nag eevaporate ang urine kapag nilalagay sa pt. kapag natuyo na ang urine sa pt, lalabas talaga yan.

mas malabo pa nga ang sakin mie kaya naguguluhan ako. last mens ko March13, 2024 until now JUNE19, 2024 hindi pa dumarating. kaya mag te take ako ulit..

Post reply image