40 weeks and 3 days na ngayon

Nakakaiyak po 😭 nung 24 pa due date ko pero hanggang ngayon hndi pa din nanganganak. Kagaling ko lang sa lying in, open na daw po cervix ko pero 2cm pa din ako. 😭 napapangiwi na po ako sa sakit ng puson at likod balakang ko. Solid na ung sakit. Kagabi sumakit tyan ko kaya pagising gising ako. 12am bigla ako nagising kc ramdam ko na super sakit na. Sinubukan ko matulog pero di talaga kaya. Nagtagal ako ng ganun hanggang 2am. Tas ginawa ko tumayo saglit at umupo. After nun humina na ang sakit hanggang sa makatulog ulit ako. Palagi nalang ganun. Bakit nawawala po ang regularity ng labor ko? 😭 nag aalala na po ako baka mapanu na c baby sa loob 😭😭 #firsttiimemom #Adviceforfirsttimemomma #help

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mi, punta na po kayo sa hospital na mismo kasi ganun ginawa ko. 41 weeks na ko nun wala pa ring sign of labor di na ko pinauwi ng ob need ko na daw malabas si baby kasi baka makakain na ng poop. Reason kaya di ako naglalabor kasi masikip ang sipit sipitan ko pero ginawan pa rin nila ng paraan para mainormal ko at thank you din sa baby ko kasi di niya ko pinahirapan maliit lang kasi siya nun 2.5 lang kaya kinaya kaya ko pa pero sobrang nahirapan pa rin ako pero thank god talaga 🫢

Magbasa pa
Related Articles