Nakakainip na tagumpay

Nakakainip ang tagumpay sa bawat bagay na ating sinusubukan sa ating buhay, hindi ba? Marahil hindi lang ikaw ang nakakaranas ng kung minsan ay mawalan ng pag-asa at ng gana sa mga bagay na dapat ay ipinagpapatuloy nating gawin. Darating ang panahon na tayo ay uusbong at susuloy kung tayo’y may tamang paghahanda, pagpupunla at pag-aalaga. Paghahanda - Ihanda ang plano at ipanalangin na naayon ito sa kalooban ng Kaitaasan. Malalaman mong plano ito ng Diyos kung mayroong kapayapaan s iyong puso, kapayapaan na walang makapagbibigay kundi Siya, kapayapaang hindi mabibili kahit saan. Pagpupunla - Dito unti-unti nating itatanim ang ating pangarap, kasabay nito ay ang pagkilos habang tayo’y naghihintay. Hindi masama ang magkaroon ng pag-asa sa mga bagay na tingin moy lalago pagdating ng araw, kaakibat nito ang una’y panalangin at pagsisikap. Pag-aalaga - Ika nga ang pananampalatayang walang aktong pagkilos ay maaring mabalewala, ayaw nating mangyari ito sa ating ipinunla. May proseso ang lahat para sa kagaya nating nagsisimula, palaging itanim sa isipan na responsibilidad natin ang ating kinabukasan kaya’t kung susuko tayo ngay on maaring hindi natin masilayan ang tamis at kagandahan na bunga ng paghihintay. Kaibigan inyo areng panoodin sa aming facebook page https://fb.watch/4nGprjjjYi/ at sa youtube channel na din https://www.youtube.com/watch?v=oCVKOi3I1Bo&t=21s. Siya hanggang sa susunod nalamang uli at maraming salamat. #batanguenaph #faith #family #farming #alaeh #pananampalataya #pamilya #pagtatanim

1 Replies

VIP Member

Thanks for sharing! Exactly what I needed right now. 👍❤️

Welcome po 😍 Kaya po natin ito 🥰😍 Stay strong momma 🤩

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles