Vent out

Nakakainggit ung mga working moms, yung may nakuha sila na magaalaga sa anak nila. May mapagkakatiwalaan sila. May pera pa sila. May oras sila na gumawa ng ibang bagay bukod sa pagaalaga ng anak. May iba silang buhay bukod sa pagiging nanay. Ewan ko pero nalulungkot talaga ako na maging stay at home mom. Pakiramdam ko wala na kong kwenta. 3 years na kong ganito makakaahon pa ba ko.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako SAHM until grade 3 anak ko, ngayon 11 na siya 3 years ago lang talaga ako nag full time work. then sa 2nd ko SAHM+WFH ako, then ever since ganun na set up ko. ang hirap humanap ng kasambahay, kahit may pambayad ka 2 years na ko naghahanap. kaya mahirap, work + full time mom... pero enjoy, ngayon stop muna ulit sa work habang preggy with my 3rd child. pero chores ako padin lahat. normal maramdaman yan momsh, basta focus ka lang muna sa anak mo and focus ka din sa self mo... para bumalik confidence mo sa sarili. mag exercise ka sa bahay habang tulog sila or pahinga mo... nakakatulong din yun sa mental health natin. hanap ka din po ng wfh job kung gusto mo po bumalik work kahit nasa bahay ka lang.

Magbasa pa