Vent out

Nakakainggit ung mga working moms, yung may nakuha sila na magaalaga sa anak nila. May mapagkakatiwalaan sila. May pera pa sila. May oras sila na gumawa ng ibang bagay bukod sa pagaalaga ng anak. May iba silang buhay bukod sa pagiging nanay. Ewan ko pero nalulungkot talaga ako na maging stay at home mom. Pakiramdam ko wala na kong kwenta. 3 years na kong ganito makakaahon pa ba ko.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I've been a full time mom for 5 years now, babalik na sana sa work last last year pero unexpectedly nabuntis ulit second baby, sometimes feeling down din ako mii, ang daming what ifs, ang daming gustong gawin na di magawa, ang daming plano na di pa matupad tupad pero alam mo wala akong regrets sa naging desisyon kong mag sacrifice ng career at maging full time mom, tinuturing kong priviledge na makita ang milestone ng mga anak ko, iniisip ko na lang na may mga mommy na gusto maging tutok sa anak pero di nila magawa and yet naito ako sa sitwasyon na to so i'm feeling blessed pa rin 😌 makakabawi din tayo soon, mabilis lang lumaki ang mga bata mii enjoy every moments. Btw i'm just 27 years old, mga kasabayan ko yung iba namamayagpag sa career but here I am, a proud full time mommy and housekeeper na rin πŸ˜… Balik sa career soon pag keribels na, wag lang magbubuntis ulit hahahaha

Magbasa pa
4mo ago

yun ang nakakapressure mi kasi mga kasabayan ko puro yan sila nagwwork tpos di pinoproblema pera at mag aalaga tpos ako tong nabuburyo sa bahay haha sinasabe pa nila na may work from home naman bakit di daw un nalng kunin ko. di nila gets na work pa din yun pano ko pagsabayan un at pagalaga ano di na ko magpapahinga hahaha