first time mommy

May nakaka survive po ba ng 26 weeks premature baby? Sinabihan po kasi kami ng doctor na anytime pwede sya mawala? Plsss kailangan kopo pampalakas ng loob?

first time mommy
703 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Lipat ka nlng mommy kung ganyan na parang sinusukuan na ng doctor nio ang anak nio. Merong nakaka survive na ganyan madami nako napanood. Maghanap kayo mommy ng doctor na willing siyang isalba. God Bless mommy. Will pray for your little one. Higit sa lahat kay lord ka kumapit ng mahigpit!

Kung alam nyo lumalaban si baby kaylangan nyo din magpakita ng lakas ng loob sa knya..kausapin nyo po sya everytime n dadalawin nyo sya..makaktulong po yan ..wag kayo panghihinaan ng loob at iwasan nyo muna mga ngpapastress sa iyo..mas kelangan ni baby ng suporta nyo at dasal sa panginoon

VIP Member

Pray ka lang kay Lord didinggin niya lahat ng panalangin mo basta magtiwala ka lang sa kaniya. Mag tiwala ka sa baby mo na kaya niya yan, malalampasan niyo yan mabubuhay si baby mo in Jesus name! Care, attention and love ang pinaka kailangan ni baby and samahan palagi ng prayer. ❤️

pray lang po..wala pong impossible. tulad ng anak ni ogie diaz .premature yung bunso nila..talagang lumalaban si baby kaya lumakas din loob nila na kayanin kahit hindi madali at sobrang hirap sa araw araw na makkkta mo na nasa ganyang situation ang baby mo.magtiwala kalang po.🙂🙏

Depende sa lagay ng baby mo at sa galing ng mga duktor mo. Sabi ng nurse ko na kaibigan, sa st lukes lng dw yung may facilities para mapabuhay ang mga sobrang premature. Tatagan mo loob mo. Wag ka panghinaan. Nararamdaman ni baby yan. Puntahan mo siya palagi at kargahin at yakapin.

When I delivered my baby, he was 30weeks 860 grams, while my baby was in NICU my baby pong katabi si baby ko and he's 22weeks Nung Pinanganak NG mother nya and nabuhay po. Basta 🙏more and more prayers Lang po and pakatatag ka po for your baby ❤️

Pray lang po . Nong na NICU anak ko sis may nakasama kaming baby 24 weeks lang siya sa awa ng diyos lumaban siya hanggang ngaun buhay siya 4 months na siya kasama na siya ng mga magulang niya sa bahay .. kaya ikaw sis pray lang kaya yan lumalaban baby kaya ikaw dn laban ka dn

There's nothing impossible with God. Pray lang po tayo mommy. And the miracle of touch ay powerful. Let your baby feel na palagi kang nasa tabi nya. Soon, your baby will grow stronger and stronger. Hindi din sya bibitiw pag di po kayo nawalan ng pag-asa.❤❤❤

5y ago

My sincerest condolence to you mommy and your family.

Hi po. Mom of premie here. Always prepare yourself for anything but be hopeful and positive. Try niyo po magjoin ng group sa fb. ---> Parents of Preemies/Premature Babies Makikita mo dun na di ka nag-iisa sa ganyang sitwasyon. Marami po tayo. Pray po and God bless.

Magbasa pa

Wlang imposible s dyos palage m isasaisip yan at wag m din kakalimutan n kng para sau xa makakasurvive xa at kng ndi nman xa para sau just admit it meron dhilan lhat ng bgay basta just be strong and ready ur self to anything can happen just keep on faith in our god...

Related Articles