Nakaka stress mga mommmmyyyyy pa vent out lang. Gusto ko na sana bumukod. We're living with my mom kaya lang senior citizen na sya at wala na din akong father at lahat ng mga kapatid ko may mga asawa na, yung isa nasa Japan and yung isa naman super madamot ang asawa so di sya pwede magstay dun. So yun nga, ang hirap parin makisama kahit sarili mong pamilya kapag may asawa kana. Kahit nanay ko pa, hindi ko magawa gusto ko. Laging naka masid. Laging naka puna. Ang hirap. Gusto lagi maglalaba. May times kase na alam mo yun pag pagod ka sa anak mo gusto mo lang humilata maghapon. Pero di ko magawa kase gusto nya maglaba at ako magbanlaw. Walang problema sakin yun kaya lang halos araw araw na eh. May milktea shop pa ako na inaasikaso, home baker din ako. Kahit may cakes ako sasabay na maglalaba sya. Eh syempre senior citizen na, hindi naman kaya ng kunsensya ko na mahirapa sya. Kahit may order ako ng cakes. Ang hirap mga momsh. And yung baby ko EBF at alam nyo naman na super clingy ang baby. Ang hirap hirap, minsan mag sasalin lang ako ng tubig sa baso pupunahin pa, takpan daw maige yung pitcher. Okaya galing ako sa CR, itatanong pa kung naghugas ako ng kamay pati asawa ko, eh sino ba naman hindi maghuhugas ng kamay after mag jebs. Nakakaloka. Buti nalang at mabait ang asawa ko, naiintindihan nya na di kami pwede bumukod kase walang makakasama nanay ko. Ang hirap hirap. Palagi ko nalang iniisip na swerte ako kase may nanay pa ako. Pero minsan di ko kinakaya ang stress. Haaaaaaaaaaaays 😩 Gustong gusto ko na bumukod. Alam ko mahirap magsolo pero may peace of mind huhuhu