Breastfeeding tips po.

Nakaka frustrate, mag 1 week na bukas pero wala parin breast milk. 😭😭 any tips po? Umiinom na po ako ng natalac and ng m2 tea drink everyday.

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din po ako nung nanganak ako umabot na ko sa point na naiyak ako lalo't nasa nicu pa ung baby ko ginawa ko po sabaw, malunggay, natalac, milo at m2 na contrated, super daming water, tapos minamassage ko ung boobs ko pag gabi nagpapump ako kahit wala makuha sa umaga naman napunta ako ng nicu pinapalatch ko si baby kahit d ako sure na may nakukuha sya then before matapos ung 7 days nya sa nicu ayun ntulo na ung milk kahit d nakalatch si baby

Magbasa pa

Huwag ka ma stress mii, positive thoughts lang mii. Mas lalo kasi hihina milk pag stress. Isipin mo madami kang milk at unli latch mo si baby. Sakin mii 4th day na ako nagkamilk talaga. Effective din sakin ginataang hilaw na papaya tapos every meal may sabaw sabaw talaga. Habang nagpapadede ako ginagamitan ko din ng haakaa kabilang dede ko. Nakaka stimulate din daw yun to produce more milk. Try mo lang din mi.

Magbasa pa
TapFluencer

Try to drink buko juice po yung may gatas yung kadalasan na binebenta sa mga tindahan and also yung sabaw na may gata like ginataan na kalabasa or papaya marami naman mga ready to use na gata ngayon like coco mama super effective po sa akin yung sabaw na may gata and buko juice in just one day ayun nagkakamilk din

Magbasa pa

try po malunggay drinks sa andox. nag nanatalac din po ako pero magtitimpla din ako ng malunggay . tapos iba pa yung nilulutong sabaw na may malunggay. pero una kong ginawa is palatch lang tlaga kay baby kahit konti lang nakukuha nya kasi sya ang mag sipsip nung gatas mo palabas eh.

try mo po lagi uminom Ng mainit lahat nag kakainin mo mainit po saka pati panligo maligamgam na tubig nag try din ako mag lagay Ng paminta sa may sikmura ko iinit Yun dadami Yung gatas mo tapus Hindi p lalansa Yung gatas

VIP Member

Hello. Pinapalatch mo na po ba si baby mo? Yung OB ko hindi niya ina-advice at ine-encourage mag take ng mga supplements, sabaw-sabaw at tubig lang sapat na. Kaya ganon lang din ginawa ko. At unli latch.

2y ago

Minsan kasi kahit anong inom ng masabaw kung hindi nalalatch ng baby hindi rin magkakagatas. Kaya po need ipa-unli latch. Hindi po sa wala or konti po yung nadedede niya, baka po nasanay na po si baby sa nipple ng bottle kaya ina-ayawan niya yung nipple mo. At kapag nasanay na po siya sa nipple mo mahihirapan ka rin mag padede sakaniya ulit sa bottle 😅 in-case mag decide ka na magformula ulit. Ganon po ang baby, sanayan. Kaya kung gusto niyo po magpalatch, pilitin niyo po siya dumede sa breast niyo at wag mag offer ng bottle. Overwhelming at Frustrating, pero kailangan matyaga, mapagpasenya at panindigan.

same sa naranasan ko yan mie 3weeks plng ako now,ginawa ko more on sabaw lng, malunggay capsule,hot compress sa breast,unli latch lng.dont give up dadami din yan

Salamat po sa mga reply niyo mga mi! Ttyagain ko po and try lahat ng advise niyo. Thank youuu 🫶🏻🫶🏻😭

Lagyan mo po ng mainit na bimpo yung sa may breast mo po para mabilis mag circulate yung blood..

try nyopo mag pump tas lage po kayo uminom ng milk sabaw lage wag iinom ng malamig

Related Articles