Masungit
Naka experience na po ba kayo ng sonographer na masungit? Yung tipong walang emosyon ung mukha. At kulang sa detalye
opo yung nag sonologist na nag reveal ng gender ni baby asar na asar ako...ang expect ko kase since doctor din naman sila is makikipag chikahan sya and ipapakita sakin yung monitor nairita ako kase wala man lang imik tapos sukat sukat sya tapos bgla nagsalita nung una hndi ko nagets ano sinabe kase mahina kaya sabe ko "ano po?" tapos hndi na sya umimik...after nung pagsusukat nya kay baby sa monitor pinakita na nya yung monitor para lang ipakita yung pwet ni baby kung nasan banda habang nakapatong pa yung device sa tyan ko...so dun ko lang nalaman na suhi pala si baby so nagulat ako at nasabe ko na "ay suhi" sabe ba naman nya "oo nga suhi diba sabe ko kanina" yun pala yung sinabe nya na hndi ko narinig kanina... nakakaasar pa kase hndi man lang sya nag explain na oh si baby mo normal naman ang sukat or what...tapos nung tinanong ko sya kung iikot pa si baby sabe nya "ewan ko depende cguro" lalo naginit ulo ko buti tapos na....nalaman ko sa obgyne ko mismo na sonologist lang sya meaning hndi sya obgyne ..meron kase obgyne sonologist talaga yun daw yung marunong talga mag basa...eh yung sa pinagpaultrasound ko sonologist lang sya so sabe ng ob baka hndi ganun marunong mag basa..mga basic lang alam...haist
Magbasa paso far po masungit sila kapag hindi masunurin patient. technique ko po ay kapag nagmeet na kami ob or sonographer greet them with a smile at sila una mo kumustahin . kasi po may previous patient sila na sakit sa ulo dahil pasaway, hindi honest sa check up, at complicated ang situation yung patient pa galit kahit patient naman may kasalanan kasi walang disiplina.. halos lahat ng comment ng mga patient ni OB ko masungit at nakakatakot pero taka sila sa akin hindi. sa sonologist naman po ganun din gawa ko, matanda na po sya at mukha nakakatakot pero super cool po nya, sa sobrang happy at excited nya nasabi agad gender kahit hindi gender ang concern. parehas lang po experience ko sa private hosp. at sa labas nag pa ultrasound
Magbasa pateam august 😁😁 edd : aug17 via LMP And edd august 19 via UTZ
Yung OB/Sono ko, hindi naman sa masungit siya. Wala lang talagang expression masyado mukha niya at malumanay din magsalita. May edad na din kasi at bihasa na, madami na ding dumaang pasyente sa kanya talagang binabalik balikan siya. I-instruct niya lang ako during consultations and ultrasound sessions. Ako maga-adjust nung pinaka-timbangan kasi nakapasok sa ilalim ng lamesa. Ako din nagpupunas ng gel after ultrasound kasi reachable at nasa tabi lang ng higaan. Hindi na niya ako ina-assist since kasama ko naman hubby ko and malakas pa naman ako. Too bad for some preggers have to experience na nasungitan, baka pagod lang din sila dahil sa dami ng dumaang pasyente. 😊
Magbasa paung una kong ob-sono, oo parang masungit sya sa checkup.. pero nung transV ang baitbait na nia. saka the whole nakasmile sya at parang excited din sya oara samin ni hubby.. 😊 so wag na lang siguro naten sila ijudge.. 😊 nakalagay pa nga sa room bawal mag picture pero nagulat kami nung biglang sabi ni ob gusto nio picturan si baby? sabi pa namin "diba bawal doc" sagot nia samin, "basta sinabi kong pede, Go!" 😊
Magbasa payes. yung ob ko sya nag uultra sound saken then pinag sungitan ba naman ako. then sobrang saket nya mag ultra sound that time kase daw nag mamadali sya. wag daw ako tanong ng tanong d pa naman ako nakapag tanong sa kanya. kaya ginawa ko lumipat ako ng ob kahit malapit nako manganak. kabanas mga ganyan nag babayad ka naman ng ayos tapos pag susungitan kapa.
Magbasa paopo. parang walang pakialam sa pasyente. kahit pagtulong sakin na humiga o tumayo sa clinic nila, wala kang aasahan. simpleng pagpunas ng gel sa tiyan ko kapag nagpapaultrasound, hindi din magawa. ganun po ata talaga kapag hindi ka sa private nagpaultrasound at nirefer ka lang ng ob mo sa labas.
Sa labas ako nirefer e. Nagtanong lang jowa ko kung ano gender ng baby namin, sagot ba naman "yun lang ba importante sa inyo ang gender"? Tama ba yun diba pwedeng naexcite lang. Kakainis talaga.
Wala pa naman sis, ndi mo deserve masungitan nila kasi were pregnant and sila dapat nakaalam na sensitive tayo. If my budget ka and want mo ma idetalye sayo lagay ni baby which you really deserve maghanap ka ng iba paulit mo. #suggestion lang naman 😁
yes i drop the name na hehe Fastmed sa angeles city pampanga .. ang sakit pa ng pagkakatransvaginal niya sakin.. then sabi ko bat ang sakit nadaing nako sabi niya bukaka raw maayus na stress ako bes .. di nako bumalik sinabi ko din sa ob ko yun
Yeah sa 2nd ultrasound ko. Nagsabi pa ako about pain na nafefeel ko sabihin mo sa ob sabi. tas its girl. yun lang narinig ko sinabi niya .Nainis pa ata na natagalan siya hanapin gender ni baby ko kasi naman daw maliit pa.
Hindi pa po, sa dalawang ob na napuntahan ko puro nman sila malambing at more detailed tungkol ky baby.. They even give me some advice though hndi ako ngtatanong.. Smiley face and approachable pa sila🙂🙂