Ano ang gusto mo matutunan pagdating sa usapang pinansyal?
Nais mo bang magpalaki ng anak na wais pagdating sa paghahandle ng pera? Mag comment at maaari kang manalo ng freebies mula sa Saffi Squirrel!
BILANG BAGONG INA NAIS KONG MATUTUNAN NANG AKING ANAK ANG TAMANG PAG GASTA NANG PERA ,KUNG GAANO KAHALAGA ITO AT MGA DAPAT IKUNDINA ANG PAG GASTOS NANG TAMA , DAHIL BILANG BATA MASARAP SA FEELING BILANG ISANG INA NA MAY ALAM AGAD ANG IYONG ANAK PAG DATING SA PERA
Yes! start 'em young. Saving teaches discipline and delayed gratification. Lead by example. Children learn by example, so the best way to teach our children about saving money is to save money yourself. Have your own jar of money that you put funds in regularly.
kung paano ako mas matututo maghandle ng sahod ni partner kung paano namin hindi pagaawayan ang pinansyal na bagay at kung paano kami mas matututong magtipid ng pera at paano namin maiiwasan bumili ng bumili ng kung ano anong bagay kahit hindi pa naman kailangan
Gusto ko po matutunan ang tamang pag bubudget sa lahat ng expenses namin sa bahay including needs ng future baby ko(Team December) ng sa gayon isa pa lang po ang anak ko matuto na ko gumastos or maglaan ng pera sa pangangailangan at hindi sa wants lang. 😇😇
Dahil sa pandemic nawalan ng work ang asawa ko, gusto ko matutunan if paano maghandle ng pera as a housewife dahil ngayon maliit lang kita ng asawa ko dahil ngayon pumasok muna sya bilang isang construction worker mahirap magbudget lalo ngayon may anak na kami.
First time mom po ako, at para saken gusto ko matutunan kung paano makakapagsimula ng pwedeng gawing negosyo.para may mapagkunan ng pondo para sa pag iipon sa future ng magiging baby ko. At may mapagkunan ng pang araw araw at tulong para sa pamilya ko.🙏😇
As a first time mom gusto ko malaman how to budget. Lagi kasi akong na short ngayon dahil sa daming bilihin. And gusto ko sakin matutunan ng anak ko ang tamang pag bubudget ng pera pero syempre bago ko maituro sa kanya ang tama ay dapat ako muna ako maturo.
Bilang soon to be mom of 3 at dito lagi sa bahay ng 7 years gusto kong matutunan kung paano magkaroon ng pagkakakitaan dahil sa hirap ng buhay at mahal ng mga bilihin dapat kailangan matulungan din ang asawa. Gusto kong pag aralan ang mundo ng pagnenegosyo.
Gusto kong matutunan ng magiging anak ko ang streches his patience. Dahil hnd biro ang pag uugali ng mga bata ngaun gayun dn ati ng mga magulang. Idagdag dn naten ng dream big at build a house un ay may step by step nmn na paraan ng pagtuturo. Salamat 🙃
Bilang isang magulang, importante sa akin na maayos ang finances ng pamilya namin. Although may konting kaalaman na ako sa pag manage ng pera, gusto ko pa rin malaman mga iba pang paraan para makatipid at makapag-ipon para sa kinabukasan ng mga anak namin