Anu ba dapat kong maramdaman ?
Naiiyak kase ako, pinipigilan ko lang ayoko mabinat ako lalo. Di ko alam kung dapat ko bang damdamin o natural lang sa isang nanay. Minsan lang kase ako magkasakit sa isang taon. Di ko pa magawang magpahinga kahit isang araw lang. Naiinis kase ako sa asawa ko di siya ireaponsable lalo pagdating sa anak namin. Pero nakakainis lang ako na lahat kumilos tapos may nag aya lang sa kanya go agad. Dahil ung kainuman niya minsan lang nandito. Gusto kk sana magreklamo na naisip ko na di niya ba naisip na may sakit ako π₯ Pag siya kase may sakit todo asikaso ako sa kanya para gumaling siya agad. Pero sakin parang wala lang. Ako padin lahat. Ginawa ko na nga lanag habang nag iinom sila dahil malapit lang dito bahay ng parents ko, pumunta kami ng junakis ko para dun ako makapag pahinga kahit sandaling oras lang. Pag uwe ko dito wala lasing na siya apat aso namin ako padin nagpakain ng mga aso tapos ako padin nag asikaso sa anak namin ako padin naghugas mga bote ng bata... Ayoko umiyak at baka mabinat lalo dahil kamamatay lang ng lola ko kakagaling ko lang sa pag iyak iyak ... Ano sa tingin niyo? Tama lang ba na kahit may sakit ako ako padin lahat kahit wala siyng pasok .. Ayoko kaseng mag away kami kaya lahat kinikimkim ko nalang. Tagal ko din di nagpost dito sa app nato. 38.7 temperature ko ngayon. Knina tanghali mababa na. Tumaas nanaman ngayon π₯