Share ko lang mga mommy.

Naiistress ako now mga mommy, need ko din ng advice niyo. EDD ko is end of Sept. Pero gusto ko lahat okay na to the point na pupunta nalang ng hospital at ipanganak si baby. I'm currently on Mat Leave na, and nakuha ko na din Maternity Benefits ko. The problem is naiinis ako kay hubby sinabi ko naman sakanya na yung pera is para sa panganganak ko. Pero parang ang nagiging siste e gasta dito gasta doon tutal meron naman tayong perang nakatago na mapagkukuhanan which is ung nakuha kong "Maternity Benefits". Parang ganun ung tumatakbo sa isip niya. To think na nung 25 kakasahod lang niya 3k ang allowance niya at ngayon wala na daw siya pera at kumuha nanaman sa pera na tinatago ko. Nagagalit pa sakin pag sinasabi kong wala pang stroller wala pang crib ung baby e siya naman mismo nag insist na siya bibili ng mga yun to think na manganganak nako next month. ? kapag sinasabi ko naman din sa public hospital nalang ako manganak ayaw din niya nagagalit din sakin. Pa advice naman po mga mommy kung ano dapat kong gawin. Tinitipid ko din binibigay niya pera sakin pero ending babawiin din niya or siya din gagastos pag naubos na niya allowance niya.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tau dear. Same EDD, nakuha ko na rin ung sss ko at nabawasan na nga dahil imbes na mag tipid, may mga "wants" si partner na gusto nya makuha agad parang gift na lang daw sa sarili nya. Hirap d b? Kampante na kc na may pondo na. Nasa kanya atm nya kaya wala talaga akong kontrol sa expenses. After all pag niremind mo mag tipid, sasagutin ka lang na abbigay naman daw ung basic needs ng panganay at ng pangangailangan araw araw, anu pa nirereklamo ko..

Magbasa pa
5y ago

Kamot ulo na nga rin ako dear. Lahat ng way para mainormal ko to ngaun si bunso gnagawa ko na para hoping na mas mura lang ang gagastusin at may sumobra. Mahirap talaga pag iba pa mindset ng partner natin

VIP Member

Ipaliwanag mo sakanya mommy yubg flow ng pera niyo. Dapat maraming extra moneybpag nanganak kasi hindi natin alam mangyayari. Pero sana normal and safe delivery ka. And better po kung maramj na kayong matatagong pera dahil pag lumabas si baby may mga follow up check ups and vaccines. And hindj naman hijihingi pero pag nagkasakit si baby. After po kasi lumabas ni baby, dun plng mag uumpisa ang paggastos.

Magbasa pa
5y ago

Yun nga po mommy. Kaya ung nireready kong pera is sobra just in case na ma CS e walang problema. Lagi ko sinasabi sknya na bka paglabas ni baby maubos tago ko pera ultimo pambili lang niya gatas wala pang vaccines niya wala. Nagagalit pa sakin. Nakuha pa makabili ng bagong iphone. Ewan ko ba palibhasa maluho siya sa sarili nung binata pero di niya maintindihan na iba na ung sitwasyon ngayon naiiyak nlang ako 😢

VIP Member

Halos tulad din po tayo ng ssitwasyon. Ang kaibahan lang eh yung mama ko ang gustong bawasan ang savings ko para kay baby. Resigned na po kasi ako tapos sinusuportahan na lang ako ng partner ko financially. Yung binibigay nya sakin dinedeposit ko sa bangko. Ok naman sana kasi di ko na gagastos kaso ang problema, gusto ni mama nagbibigay parin ako sa kanina kahit alam naman nilang wala na akong trabaho. Nahihiya naman akong magsabi sa partner ko kasi hindi naman kami kasal. Hindi nya obligasyon ang pamilya ko. Tapos pagsinasabi kong para sa panganganak ko yung savings, ang isasagot lang ni mama eh meron pa naman daw akong maternity benefits na makukuha which is after ko pa manganak bago makuha yun. Tinitiis ko na lang si mama kahit mahirap kasi kung hindi ko yun gagawin baka di ko namamalayan na ubos na pala savings ko. Advice ko lang po kausapin nyo po yung asawa nyo, kung hindi parin makuha sa pakiusapan. Ideposit nyo sa personal account yung di nya alam ang pin code.

Magbasa pa
5y ago

Kaya nga po mommy yung gusto natin perfect lahat pagdating ni baby pero ung mga tao pa sa paligid natin ung mga nagiging problema. Kung tutuusin nga po swerte pa kmi dhil electric bill lang binabayaran nmin sa food wala kmi prob dahil sa dito pa kmi sa parents ko nakatira dhil walang makasama sila mama pero kung maubos ang 10k niyang sahod sa isang cut off one week lang po ata. Paano pa kung nakabukod nkmi bka khit magutom na kmi ng anak niya basta makabili lang ng "wants" niya titiisin kmi 🤦‍♀️