Don't Judge

Nahulog ko si baby sa bed. wala pa siyang 1month old habang nagbbf kami. Please don't judge me. sobrang pagod at antok dahil di siya nagpapatulog ng madaling araw. alam ko kasalanan ko. Wala naman kaming nakitang kakaiba habang minomonitor namin si baby sa unang day pagkatapos niyang mahulog. Pumunta na kami sa pedia and pinili namin ipact scan si baby. Pero need pa naming hintayin ang result 2-3 days at di ako mapanatag habang wala pa result. Lagi din akong nagsesearch sa google about sa mga nahulog at yung mga symptoms. dahil dito, lahat ng galaw at iyak ni baby lagi akong nag ooverthink at nag aalala. Hindi na ako makatulog ng maayos at feeling ko anytime maoospital narin ako dqhil sa pagod at puyat at stress. May mga naka experienced din po ba dito na nahulog baby niyo? at kamusta na po sila ngayon?

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ewan ko mamsh ah. pero dati kami magkakapatid Sabi ni mama lahat kami nahulog sa kama sa kalikutan. ok Naman Kami. Sabi lang Niya nasalo kami guardian angels namin. pero syempre matatandang kasabihan o paniniwala Yun. para lang mapanatag ka kahit papano din. wag ka pastress mamsh. madecrease milk mo pag stress ka

Magbasa pa

kamusta po si baby? may any complications po ba habang lumalaki? nahulog din po kasi baby ko 3 weeks old going 1 month 🥺 pero napa check ko naman na sa pedia wala siyang bukol wala ring alarming symptoms. pero for monitoring at observation pa siya.

2y ago

2 months na siya momsh and okay naman siya. pina ct scan kasi namin kaya kampante na ako na wala talagang complications. 14 days daw i observe sabi ni pedia.

Nakuha ko na result. Thanks God at okay naman si baby. walang fructure at kung ano ano.

2y ago

thank you, Lord. pahinga ka mi, para makabawi katawan mo. Godbless.

Mataas ba nahulugan mi? Observe mo lang po and hintayin ang result ng CTscan. Hoping na maayos ang lagay ni baby

2y ago

Hindi naman masyado mi. Kasi mababa lang naman bed namin.