Paghilab ng tyan
Nahilab po tyan ko na parang na pupoop ano po kaya pwede gawin 32 weeks pa lng po ako...mas madalas na po pag hilab ng tyan ko...pa help po thank you

Mommy Kung may nararamdaman po kayo pa check up nyo na po. ung iba Kasi sinasabi normal Lang Yan Kasi malapit na but no.. sakin po nakaramdam ako ng paninigas 1 week na Hindi ko to naramdaman sa first born ko so akala ko normal Lang Dahil malapit na din Naman akong manganak 33 weeks and 4 days . Dahil napapadalas na ung paninigas at sakit sa likod ko..panay na Rin ang pag pupu ko.may lumabas na din yellowish discharge sakin nag pa ER na ako . nag preterm labor na po ako open cervix na buti po naagapan ko Dahil nag simula na po akong magconstruction . tinurukan po agad ako ng pampakalma para Di matuloy ung Pag construction ko..Kung nagtuloy tuloy sya admit na ako.buti Hindi po.may resita sakin na pampakapit at need ko po magpaultra sound para malaman Kung Okey na po timbang baby para any time Kung mag labor ulit Okey Lang lumabas si baby.. ayoko din Kasi ma incubator si baby . bed rest po ako ngayon. ☺️ pray Lang po Tayo para sa safety natin baby at Tayo po .Kaya po sa mga mommy na same ko ung nararamdaman.punta na po agad sa OB or ER.ung checkup Lang muntik pang maadmit . wag po tayong makampante. risky po talaga mag buntis.. God bless po sa lahat ☺️ currently 34 weeks na ako today ❤️
Magbasa pa


