Way Out
Nahihirapan na ko..Magkasama nga kami sa bahay pero 3 days na di kami naguusap. Sa Messenger lang at puro tungkol lang sa mga kailangan sa bahay or needs ng bata. Wala nang sweetness as in. Di sya sweet sa akin, di rin ako sweet sa kanya. Pero at least tahimik ang bahay, di kami nagbabangayan. Pagod na sya. Pagod na rin ako kakaexpect na aayos din ang lahat. Pagod na akong ipaalala sa kanya na halos 4 months pa lang naman na sya ang solong kumikita sa pamilya. Sa ilang yrs na mgkasama kami, ilang taon dun halos ako lahat pero minsan lang syang nakarinig sa akin. Gusto ko silang iwan ng anak namin. Sya naman ang may trabaho eh. Kaya nya naman buhayin ng formula milk yon. At least di na nya kailangan intindihin ng isa pang bibig na pakakainin. Silang dalawa na lang. Wala man akong pera, kaya ko naman maglakad. Iiwan ko lahat ultimo cp iiwan ko. Sarili ko lang bitbit ko. Mapunta sa ibang lugar na walang nakakakilala sa akin. Mamasukan o magsaka. Magsimula ng buhay na walang kahit anong expectations sa ibang tao at ganun din sila sa akin. Pwede naman dba?