1CM PERO ANG SAKIT

Naguguluhan ako mga mi, kagagaling lang kasi namin sa hospital. Kasi kaninang 3AM nanakit yung tsyan ko, nag-oras ako kasi sabi nila tingnan daw yung 5-1-1 rule. So nananakit tsyan ko every 5minutes and 1minute tinatagal nung pain. Until 5am nagdecide kami magER kasi may lumabas nang dugo sakin, medyo malasaw yung dugo. Pagdating ng hospital sabi ng doctor 1CM palang daw ako kaya pinauwi ako. Pero ba’t until now yung pain nya consistent, yung time interval consistent. Evey 5minutes and 1minute tinatagal. Di ko alam kung hihingi ako second opinion kasi sabi dito ng mga nanay sa lugar namin kapag ganyang may pattern yung pain, dapat naka-admit na. At madami akong nakikita na 1CM pero wala silang nararamdamang pain. Btw, I’m 37weeks and 4days. First time mom here so please don’t judge. Thankyou!❤️

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

maglakad-lakad ka po, kapag 1cm pa kasi pinapauwi talaga ganyan din ako dati. pumutok panubigan ko kaya napasugod kami sa lying in, nag IE sila 4cm pa lang. inoorasan nila ako nun kasi 10:30pm pumutok panubigan ko 4cm lang, dapat 1am kapag nag IE ulit sila nag improved na cm ko kung hindi ililipat ako ng hospital. thank god nung 1am, 8cm na ako.

Magbasa pa