Bakit nambabae ang mister ?

Nagtataka ako dun sa friend namin . Almost perfect yung relationship nila si Girl maganda , sexy at Maputi tapos yung kids nila girl and boy , pogi din si boy ... One time nakita ko post ni girl , nambabae daw yung husband niya , kung Bakit daw nauso pa si Aubrey at Boyer Kaya Ayan naghanap daw ng aubrey yung asawa niya .. Bakit kaya May mga ganung husband naghahanap pa ng iba kahit maganda naman misis nila ?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wala yan sa panlabas na itsura. Maraming pwedeng scenario diyan, kaya mahirap husgahan. Maaaring nilandi at nagpalandi si lalaki. Maaaring nagkulang din si babae (sa paningin ni lalaki). Marami pang pwede. Pero ang tanong diyan, maghihiwalay ba? o patatawarin mo (kung babalik)?... Cheating is never an option, kung may problema kayong mag-asawa o pagkukulang ang isa, ayusin niyo ng kayong dalawa hindi yung sa iba mo hahanapin kung ano man yun. Cheating is a choice, a personal decision. Alam mong may asawa ka at mga anak, umuuwi ka din ka sa kanila. Paano mo sila nagagawang pakiraharapan araw-araw, ng hindi ka nakakaramdam ng guilt. Ang mga bata ang pinaka-nakakaawa sa lahat, sila ang higit na maapektuhan sa ganitong sitwasyon. Never magstay ng dahil sa mga bata, hindi din magiging maganda ang epekto nito sa kanila.

Magbasa pa