Sleep Training for 5-6-month baby

Hello! May nagsleep train na ba sa inyo ng baby? Paano? Breastfeeding kasi ako. Natutulog sya sa breast ko. Nailalapag ko nmn sya sa tabi ko sa kama pero gusto ko sana sa crib sya matulog. Atska 5months na sya pero di parin tuloy tuloy tulog nya. Lagi sya nagbbreastfeed sa gabi (habang tulog). Pano niyo napapatulog ng dirediretso si baby? Help!

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Natural lang po na gumising pa rin si baby sa pagtulog nya sa gabi kasi gutom na sya. Easily digestible po ang breastmilk and hindi pa sobrang laki ng stomach nila para mag-imbak ng enough food/ energy to last them through the night ☺️ Kung iki-crib nyo sya, mas lalong mauudlot ang tulog nyo pareho dahil babangon ka pa, unlike sa sidelying/ co-sleeping na at least after nya magfeed ay tuloy tulog lang kayo. Kapag kumakain na sya ng solids at nakakapag-heavy dinner na, probably at around 1.5 - 2yo, doon na nya magagawang matulog magdamag without waking up. Formula-fed babies in comparison ay mas mahaba ang tulog dahil compared to bm, mas mahirap at matagal idigest ang fm which is based on cow's milk (cows having 4 stomach compartments to digest), kaya they need more sleep to conserve energy and digest the milk.

Magbasa pa
2mo ago

Thank you so much po