Deform ear
Nagresearch Ako tungkol sa deform ears lumabas is lidding deform ear po daw Yung sa baby ko ano kaya pwde Gawin paglaki nya baka mabully sya Akala ko Kasi sa bonnet lang sya naipit Kasi Ng bonnet Yung Tenga nya Nung binigay Sakin Ng midwife ganyan nakita ko. Judgemental pa Naman satin ngyon.😢 5months napo sya baby boy #deformears


Mommy kmusta naman po yung hearing ni baby? ok naman ba pandinig niya based din sa hearing test nung pinanganak siya? yan po muna ang priority yung functions ng Tenga ni baby.. saka Isang Tenga lang po ba ang ganyan? nakita na din ba ng Pedia ? Tama po kayo judgmental ang mga tao.. wala na tayo magagawa diyan.. kahit tayo hindi perfect.. sa kapwa natin judgmental din tayo.. hayaan niyo lang po sila.. ang mundo ay punong puno ng judgmental na tao ganyan ugali na talaga.. kahit walang deformities hahanapan ng negative para mapulaan.. Ang mahalaga po dito e ok ang lahat Kay baby Pati pandinig niya yan po mahalaga para mabuhay siyang maayos🥰 mahalaga love niyo si baby.. wag na pansinin ibang tao.. Ganyan din ako dati . halos itago ko panganay ko na may mild autism . gwapong bata at ayaw ko naririnig sa iba na sayang kasi hindi sayang ang anak ko.. binibigay namin lahat Sakanya para mabuhay siyang masaya kahit may disability siya.. wala lang nashare ko lang mommy hehe🥰 Godbless
Magbasa pa
prince and princess