Sakit umasa😔😥🥺🥺Kunting Payo naman jan plsss🥹

Nagpa ultrasound ako then wala naman palang laman diko kaya sana sabihin sa mr. Ko kasi pareho kami umasa kaya yun nag pt ulit ako at yun nga negative na talaga ..ilang buwan na ako d dinadatnan nagtataka rn bakit lumalaki ang tiyan kaya naisip ko baka may sakit ako ng diko alam😔😢sinabi ko na lahat kay mr.pero halata ko na dinadaan niya sa jokes yung skit ng loob nya para walang malungkot samin pero kita ko na nasaktan sya nung nalaman niya resulta kasi noon palang gusto na niya ng baby ...stress narin ako palaging nalulungkot nag o over think narin minsan na baka baog ako pero sana hindi naman lord ...Gusto ko payo nyo para ket papano lumakas loob ko

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag kayo mawalan ng pag asa ng mr. mo mi, ako last 2021 mi 3months ako hindi nadatnan, akala namin ng asawa ko buntis na ako, bumili ako ng pt, excited kaming dalawa ng mr ko mi pero negative mi, so nagpahilot ako mi sabi nong manghihilot buntis daw ako kaya nag pt ulit ako ayun negative pa din nag expect kami ng asawa ko, pumunta kami sa center non mi nanghingi ako ng request for tvs para malaman namin ang totoo pero ang result sa tvs ko may pyscos ako may hormonal inbalance ako, mahirapan ako mabuntis pag may pycos, wala man ako ininom na gamot pampawala ng pycos mi, ang ginawa ko nag diet lang ako tapos may napanood akong vlogger na makakatulong sa pag bubuntis, pinanood ko yong video nya na selfmassage after mag do namin ni mr. ginawa ko yun last 2022 tapos bago ka matulog sa gabi at pagising ng umaga e selfmassage mo ang bandang may puson mo, ayun na nga mi di na ako dinatnan ng july at august, last mens ko is june 5, kaya august 13 dapat iinom ako ng paragis para madatnan ako pero ang inisip ko muna non magpt, ayun bumili ako ng pt dalawa diko sinabi sa mr. ko kasi baka aasa sya, pero nong nag pt na ako ang saya ko kasi possitive sya 2lines sya yong dalawa talaga possitive, ayun sinabi ko sa asawa ko buntis ako kaso ayaw nya maniwala kasi ayaw nya umasa, pero nong august 19 nag pa confirm ako at yun nga totoong buntis ako, at di pa ako nakapag ultrasound non niresitahan ako ng vitamins ng ob ko non pero ayaw pa maniwala ng asawa ko non, tas pagka august 26 don na ako nag pa ultrasound kasama ko asawa ko, ayun nga 11weeks and 5days na si baby non at yun nakita na ng asawa ko don sya umiyak❤️ and now 30weeks preggy na ako... lagi kmi nagdasal non pati ako habang sineself massage ko sa may puson ko non... kaya wag kayo mawalan ng pag asa mi, akala ko nga din baog ako non...

Magbasa pa

Ask ko lang po, Paanong umabot ka po ng 7months na di po nakikita sa ultrasound kung may laman or wala? puro lang po ba doppler ang ginamit nyo at sa center lang po ba? napansin ko kasi, ikaw po yung nagpopost na 28weeks preggy pero walang nafifeel na pagsipa at kahit sa doppler po walang marinig. I remember din na sumagot pa ko sa isang question mo.. Hmm i think need nyo po magpaalaga sa fertility Dr- pareho po kayo ng husband nyo para malaman kung ano nangyari at paano ang gagawing management kung sakali. Then better din na wag mapressure at mastress.. I know po mahirap iwasan yun pero as much as possible po enjoy nyo na lang muna na magkasama kayo.. .at wag pong titigil sa pagpray, pagtitiwala sa Panginoon na may tamang time na ibibigay.. Ganyan kasi kami ni hubby, although ang reason namin nun was dahil namatayan kami ng baby. and then when we finally decided na gusto na ulit namin magkababy, dun naman di agad nabubuo. so we enjoyed each other na lang, no pressure at all, massage and everything ginawa namin, travel, yung walang stress ba ganun. and we trusted God's timing talaga. and good enough, sa unexpected month pa namin malalaman na buntis na 'ko (same month nung nagbuntis ako sa nawalang baby namin at same edd rin ngayon) kaya He has plans for everyone of us talaga. Godbless po!

Magbasa pa
2y ago

agreed! we have a miracle working God!

dont lose hope mie aq nga mie akla q noon buntis aq 2 months delay pro d pla sobrang nalungkot aq kaya sa twing delay aq parang wl lng kz aykong paasahin ang sarili q nka 3 ob aq noon pero wl din gustong gusto q ng magka anak noon hnd aq tumigil sa kakadasal na nsa mabiyayaan kmi.nag try ulit aq mag pa ob and yes mie after 16 yrs of waiting nabuntis na aq currently im 32weeks preggy na ready to pop na next month

Magbasa pa

we've tried for almost 9 years, and now we're pregnant. mag usap kayo ano treatment pwede nyo gawin pareho. 1st ay both kayo pa check up, lalo kana sis if irregular periods ka at may paglaki ng tyan. sabay nyo i-work out ang pregnancy, sabayan din ng babad sa prayers. don't give up, pwedeng mapanghinaan ng loob pero wag mawalan pag asa. Jesus is our living hope!

Magbasa pa
2y ago

@angelica I'm PCOS diagnosed since highschool ako kaya nahirapan kami ng husband ko, pero heto na ang milagro mula sa Diyos I'm currently 30 weeks pregnant. kayo, babad lang sa pagtitiwala sa perfect timing at will ni Lord