Away ni Mr./Mrs.

nagkaroon ng konting sagutan kagabi lang (e pano galing na naman sa inuman). and nakapagsabi ako ng di mgandang words sa kanya. to the point na pinapalayas ko na siya. nasabi ko na di ko siya kailangan di namin siya kailangan ng anak niya. and ako? pinagtatapon ko gamit niya. umabot din sa point na nasaktan namin physicaly yung isat isa. wala nako magawa kagabi kundi umiyak nalang ng umiyak. kawawa naman si baby ko. hindi pa nalabas pero ganito na parents niya. ??

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo sia ng maayos momsh, gnyan din asawa ko dati nung mag bf gf plang kme at hndi pa ako nabubuntis.. Pero ngayun. Sa bahay nlang nag iinum at tuwing Saturday lang parang pahinga lang nia at stress reliever lang nia. Pero pinag usapan na namin kapag lumbas na c baby bawal nasia mag inum kci dpat kme nalang ang priority nia. Makaka usap mo din yan ng maayos wag molang kci siang bulyawan para hndi umabot sa mtinding pag aaway. Iba na ang may pmilya hndi nlng yn laro-laro lng. Wag kadin mg salita ng hndi magnda dhil yan ang ayaw na ayaw ng mga lalaki. Respetohan lang sis. Bubuti ang relasyon nio. God bless

Magbasa pa

I feel you po .. May 2 akong anak sa live in partner ko at inaamin ko nabubugbog nya talaga ako lalo na pag sinisermunan ko sya . May live in partner is a drug user kaya palagi kami nag aaway ,umabot sa muntik nya ko mapatay . Pero alam nyo po nung nahulihan ko sya na meron nun pinapili ko na sya at ang pinili nya kami ng mga anak nya ! Binigyan ko pa rin sya ng chance at still hoping na tuloy tuloy ang pagbabago ! Sa totoo lang marami nagsasabi na iwan at ipakulong ko pero pag naiisip ko mga anak ko nagbabago ang isip ko .. Alam ko mali pero nagtitiis ako para s mga anak ko !

Magbasa pa

normal lang po sa magasawa nagkakaaway lalo na kung nakakainom si mister lalo na emotionally tayong mga buntis.. ganyan din kami ng asawa ko, ang ginagawa ko magsasalita lang ako saglit at biglang tatahimik na ko matic na hanggang kinabukasan di ko na sya kakausapin ng makapag isip isip kami parehas, at yun sya unang sumusuko. Ok lang naman maginom as long as walang ginagawang masama. Kalayaan din naman kasi nila yun kahit papaano bigyan din ng konting time sa kaworkamtes or kaibigan. The'y know there limitations..

Magbasa pa

Mahirap kasi makipagtalo sa lasing momsh. Malaki ang tendency na lumaban sya lalo na kung ganun pa pala yung ginawa mo. Better na pahupain muna yung tama ng asawa mo dahil di pa sila nakakapag isip ng maayos dala ng alak bago mo pagsalitaan ng masama at palayasin. Nasaktan din naman sya. Dumaan na rin kami sa ganyan at communication lang yung maayos ha na pakikipag usap at pasensya.

Magbasa pa

Iba Ang epekto NG Alam momsh, we know na mahirap pero hangga't wla kasing isang nagbbgay sa couple.,Hindi tlga maaayos. Next time sis pahupain mo muna ang lasing nya then tsaka mo sya kausapin. Walang Hindi maayos sa matinong pag uusap 😊 Yun nga Lang kailangan Lang tlgang may magpakumbaba...pra ndin sa anak nyo at sa binubuo nyong pamilya😉

Magbasa pa

Mas okay po na magusap kayo ng walang alitan mahirap po magpalaki ng baby kung ang parents nya nakikita nyang nagaaway sa harapan nya. Kung may nagawa po syang mali kausapin mo ng di sumisigaw. Be patient po ng walang masabeng masasakit na salita o magkasakitan.

Sis pray lang.sakin kasi pag uminom si mr.though hindi madalas di ko sinasabayan yung kalasingan nya kausapin mo sya kinabukasan pag hulas na yung lasing para di kayo mag away.put God in the center of your relationship at wag ka na ma stress maapektuhan si baby

Hi sis, dumaan din kami sa ganyang senaryo dasal lang, saka try nyo magbonding like manuod/kwentuhan, plano plano... saka dapat kahit kasal na kayo dapat my me time both kung sya alak hayaan mo lang basta walang kalokohan na gagawin

VIP Member

para sakin po mas better awayin mo sya pagkaumaga na yung hingaw na para hupa na din medyo ang galit mo.baka naman may reason sya kaya napainom kaunting pag intindi lang mommy at open communication din.

Sis dapat pinag pabukas mo nalang muna. Ang hirap makipag bangayan sa lasing. sana itinulog mo nalang muna. Pag parehas ng malamig yung ulo niyo, dun na kayo mag usap.