Nagkaganito po ba ang baby niyo? 1 month old na si baby, lumabas 'to around 3 wks. Meron sa forehead, cheeks, side ng tenga, eyelids. Parang lumalala kapag mainit, kasi kapag naka-AC kami, naglalighten siya to the point na parang wala na. Tapos babalik kapag medyo mainit na and/or umiiyak siya. Wala naman sa katawan niya kaya sure ako na hindi sa sabon panligo or sabon na pinanlalaba sa damit niya. Sinabihan ako ng pedia na milia lang 'to pero alam ko naman ang itsura nun kasi meron ako nun. Anyone here na same case sa baby nila?
PS: natry ko na na BM ang ipunas. Cotton with distilled water ang pinangpupunas ko ngayon.
TIA