Baby’s name
Nag uusap kami ng boyfriend ko bigla kong nasabi na “Rain” ang gusto kong ipangalan sa baby kung sakaling babae. Pero sabi niya “wag yun, yun rin yung gustong pangalan ni ano” long time ex niya tinutukoy niya na may anak na rin ngayon na kung sakaling nagka anak sila isa yun sa ipapangalan. Pero sabi niya nasakin pa rin daw kung yun ang gusto ko. Nagdadalawang isip na tuloy ako. Rain kasi talaga gusto ko bata palang ako tuwing gumagawa ako ng story sa wattpad Rain ang pangalan ng bida kong babae. Iniisip ko kasi baka mamaya isipin ng ex niya na yung boyfriend ko ang nag suggest na yun ang ipangalan at hindi ko alam ang story sa pangalan na yun. Na baka isipin niya na konektado pa rin siya sa boyfriend ko. Heeeelp.