Urinary Tract Infection

Hello! nag request po saakin ang ob ko na magpa-test ako ng urinalysis, gram staining, blood typing, at culture & sensitivity (urine/discharge/body fluids/stool). may UTI po kasi ako and niresetahan niya na po ako ng cefuroxime antibiotic, as of now po ang napatest ko pa lang is gram staining & blood typing. yung culture & sensitivity po hindi pa, dahil mataas po ang presyo at kulang sa budget. gusto ko lang po itanong kung meron po ba ditong same sa situation ko, hindi pa po kasi ako bumibili ng antibiotic kasi nababahala ako na baka need muna magpa test ng culture & sensitivity bago uminom ng antibiotic. balak ko po sana na uminom na ng antibiotic kahit pa napapatest ang culture & sensitivity. wala po kasi akong contact sa ob ko dahil 1st check up ko pa lang nung Dec 11, 2023, pinapabalik po ako ng Jan 12, 2024 gusto ko sanang pumunta sa hospital ang kaso po kasagsagan po ng pasko ngayon, ang gusto ko po sana bago ako bumalik ng Jan 12 tapos ko na ang lahat ng nirerequest niya. about naman po doon sa urinalysis, after po ma complete ang pag inom ng antibiotic. pwede kaya mga mommies na uminom na ako ng antibiotic? Sana po may sumagot, thankyou!

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pwede ka naman sis magpa appointment ng maaga kesa Jan 12. been there in your situation, nag buko juice lang ako everyday hanggang magkita kami ni doc. naclear nman. Pero yung Pag aaalala andun, Kya sa susunod ganun nlng ggwin ko, ppasched ng maaga.

pwede po, mas better uminom kana agad after binigay ni ob yung prescription. yung urine culture is to identify kung anong anong klaseng bacteria present sayo and sa kung anong gamot sila resistant.

11mo ago

drink kadin fresh buko juice nakakatulong din yan

wala bang government hospital malapit sa inyo na may malasakit center/social worker ? makakamura ka sa mga labs mo,

11mo ago

quezon city general hospital po ako diko alam kung meron

Kung niresetahan na po kayo ng antibiotic, inumin nyo na po, unless you were instructed not to.