Unknown gender #skl

Nag pa ultrasound na kami kanina umaga. I'm at may 3rd trimester. Di nakita ang gender ni baby kasi nakadapa na daw si baby at nasa may pelvic na head ni baby. Siksik na daw si baby kaya nahirapan makita ang gender. Excited pa naman bf ko at family namin to know the gender para mabilihan na nung ibang gamit ni baby. Pero okay lang ang mahalaga normal si baby sa tyan ko. ? aug.20 is the due date ❤

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here. Nagpaultrasound ako sa 2nd baby ko nung 6mos ako kaso hindi pinakita ni baby yung gender. Hindi nalang ako nagpaultrasound ulit kasi panganay ko naman is girl at anak ng hipag ko boy. Kaya recycle nalang mga damit at gamit.😊 Pero sana nga makaboy na. Pero kahit ano basta healthy.😊

yes po kasi nasa 3rd trim na kau.. nakapwesto at siksik na talaga si baby. kaya nagpa ultrasound ako nung 2nd trim ko for gender nakadapa rin si baby at pinabalik lang kami after an hour. Importante healthy si baby.

ganyan din ako nun mamsh di sigurado ang gender ni baby nung 2times ako nagpa-ultrasound lagi daw nakatalikod haha kaya puro unisex muna binili namin na ibang gamit niya. pero sa last ultra ko, ayun na sure na hehe

pa suspense si baby sis. gusto surprise. you can purchase items naman, stay clear nalang muna from gender-assigned colors. pwede naman yellow, cream, brown kung ayaw nyo ng lahat white. 😊

VIP Member

Okay lng po yan, eldest q nun hnd dn ngpakita s ultrasound ee peo vibes ng asawa q lalaki dw hehehe peo hnd nq ngpaulet ultrasound pra surprise nlng pg pinanganak qn :)

Mas mahirap po kc tlga makita ang gender pag malaki na si baby.. pero okay lang yan basta normal si baby, lahat pa kayo sa family massurprise sa gender nya paglabas..

God bless sis. Bili ka nalang muna ng white color na mga gamit ni bb para mapa babae or lalaki ok lang. saka nyo nalang ulit bilihan kapag nalabas na sya 😊

Mas ok po yn sis... Pra surprize kpag manganak kna... Ganyan dn aq s baby q... Nlaman nlng nmin n boy pla xa nung lumabas n... 😊😊😊

VIP Member

ok lang yan, atleast may element of surprise paglabas ni baby sis. bili na lang kayo siguro ung gender neutral lang muna para safe.

Bili muna po kau ng unisex n newborn clothes pra my mgamit n c baby pglabas.. gus2 ata ng baby nyo n surprise gender nya..😉