Last year Oct 18, 2021, nafound out na walang hb ang baby ko at 7w4d nung nagpatvs ako. Embyonic Demise din po. Nagpaconsult ako sa ibang OB Sono to double check if talagang demise and yun, wala na talaga hb si baby. Di ako dinugo. Walang masakit. Close cervix. Niresetahan lang ako na mag insert ng evening prime rose 3xaday for 1 week. Intayin daw na duguin at kapag dinugo tsaka raraspahin. Pero hindi ako dinugo and worried din kami kasi baka delikado na nasa tummy ko pa si baby. Kaya nagconsult nalang ako sa ibang OB Sono ulit, ibang procedure na ginawa nya sakin since di umeffect yung evening primerose. Medical Passage ang gagawin. May pinabili saming gamot na sa Mercury na iniinject sa pwerta. Btw, ob ang mag iinject non. Every 3 days ang pag inject pero hanggang 3 times lang namin gagawin. Kapag di umeffect tsaka ako raraspahin. Bumabalik ako sa hospital for injection every 3 days, and on my 3rd time which is Nov. 6, 2021 ng pag-iinject don na ako dinugo after lagyan ng gamot, don na humilab at sumasakit ang tiyan ko. Parang naglelabor. And kinagabihan non, lumabas na si baby. Yan po yung nireseta sakin. Best way na gawin po nila ay magpaconsult na po kayo sa ibang ob. Not sure nga lang if yung procedure na ginawa sakin ay ganyan din ang gagawin sneo pero para sa ikakapanatag din ng loob nila, mas okay po na magconsult sa ibang ob.
Anonymous