Makikipaghiwalay na ba?

Nag away kami kagabi ni hubby hanggang madaling araw sa sobrang liit na dahilan lang. Ganito kasi yun mga mamsh, naging sobrang clingy ni baby kahit kanino ayaw sumama tas napakaiyakin pa nya that time as in mula umaga hanggang gabi nagwawala sya sa di ko malaman na dahilan kahit ginawa ko na lahat para mapatahan sya ang magaling naman nyang ama alam na di ko na alam gagawin nakikisabay pa sabi nya "baka gusto nyo umusog naiipit nako dito" ang babaw diba? Wala naman dapat away kaso yung salita nya pagalit jusko dun sa pwesto na yun lang tumahan si baby papaalisin pa nya kami pwede naman sulya lumipat sa kabilang side edi syempre punong puno na din ako dahil kay baby (gabing gabi na yun di pa ako nagpapahinga kasi umiiyak lang talaga si baby, para akong sumabog) tapos sinigawan ko sya sabi ko "bat di ka maghintay? Di ko na nga alam gagawin ko sa anak mo sumasabay kapa" edi yun natulog na sya. Nakatulog na din ako tapos eto nanaman bandang 11:30 umiiyak nanaman si baby pinadede ko na saka palit diaper ayaw naman nya tumahan, punong puno nako nun kaya napasigaw talaga ako kahit gabing gabi edi nagising si hubby pero di nya kinukuha si baby. Kahit ano gawin ko di ko talaga mapatahan tapos bigla gumapang papatunta kay hubby sabi ko "wag mo puntahan yan di ka naman kukunin" tapus ayun na away na una sya sumigaw tapos nagwala "ano daw problema ko" hanggang sa lumala na lumala tapos nasampal ko sya (dati di sya gumaganti never talaga nya ako pinagbuhatan ng kamay) pero ngayon ginawa na nya nabigla ako syempre kahit hawak ko si baby nun sinabunutan nya ako tapos sabi ko maghiwalay na kami galit na galit na ako pumayag naman sya. Pagod na pagod na talaga ako, tapos nakita ko yung wedding pic namin, sinira ko tapos sya tinapon nya singsing nya saken tapos kinuha nya saken si baby ayaw nya ibigay sabi pa nya "kung maghihiwalay tayo di mo makukuha anak ko" mas lalo ko sya napagbuhatan ng kamay nun pero di na sya gumanti. Pagod na ako di ko pa nakukuha anak ko sakanya ni pahawak ayaw nya kaya umalis ako umalis talaga ako kahit madaling araw na yun (hinabol pa ako ng aso pero hindi nya ako hinabol). Tapos nagsumbong pa sya sa mama ko edi yun umuwi din ako tapos ayaw parin nya ibigay si baby di ko na inimikan hanggang nilapag na nya si baby tapos nilapitan nya ako sinusuyo ako pero ako ayoko na talaga gusto ko na makipaghiwalay. Kaya sabi nya "bukas na bukas punta tayo baranggay dun tayo maghiwalay kung yun gusto mo" pumayag ako pero ayaw parin nya ibigay si baby saken lalayu daw nya at di ko makukuha pag naghiwalay kami kaya wala akong choice kundi makipagbati sakanya. 4 na kami natapos mag away tapos pag gising ko ngayon desidido pa din ako makipaghiwalay sakanya. Pagod na pagod nako mga mamsh. Tinggin nyo tsma ba gagawin ko?

9 Replies

pagod kalang mommy, pahinga ka muna, palamig minsan akala natin gudto talaga natin gawin pro totoo galit lang tayo, nakakapagod naman talaga kapag wala kang kasalitan kay baby lalo na pag clingy at ayaw tumahan dapat nag usap na muna kayo after nun pag iyak ni baby or mapatahan kasi alam naman natin nastress tayo kapag hindi natin sila mapatigil, and better ask for help baka si baby kinabag kaya ganon may masakit saknya, pareho lang naman po kayong may fault, napag buhatan mo siya baka kasi nabigla, ang importante mag isip muna ikaw lalo at puyat ka. wala naman kahihinatnan yung bagay na ganyan kung hindi idadaan sa usapan na maayos, talk to your husband nadin kung about kay baby na clingy minsan maganda din na may bond sila ni daddy baka kaya ayaw tumigil ni baby akala molang ayaw niya kay daddy pero nagpapalambing lang .

mag palamig ka muna sis. pagod ka Lang. mag voice out ka din Kung pagod kna sa hubby mo make arrangements Pano k Niya matutulungan.. mahirap nmn Kasi tlaga mag alaga Ng baby at nkakapagod. nag iiba Tayo pag laging puyat + pagod hehe wag pabigla bigla.. nasaktan k ni mr. sa puyat na rin siguro saka nabigla rin. maganda Kung huminga k muna.. ska ka mag decide pag d kna galit. 🙂

Diyan nasusukat ang pagmamahal nyo s isa't isa, kung sa tingin mo, kaya mong buhayin ang anak mo ng hindi kasama ang tatay nya habang lumalaki siya, hiwalayan mo. Ang pag-aasawa ay hindi lging pasko, hindi laginh masaya, shempre kasama din ang di pagkakaintindihan. kung sa ganyang pagsubok pa nga lang, sumusuko ka na agad, what more kapag mas malalim pa?

ngayon lang yan momsh kasi feel mo pagod kana kaya wala kang ibang naiisip kundi magpahinga muna. wag mag dedesisyon pag galit momsh baka ikaw din mag sisi . palipasin mo muna . pagpasensyahan mo muna hanggat kaya mo pa . pero kung talagang sobra na edi itigil na . pakatatag lang para sa baby mommy

TapFluencer

Nasa sayo po yan, pero sa batas po ang baby ay sa inyo, pwede naman niang hiramin, pero ikaw ang mas may karapatan.. pakiramdamin mopo kung ano ang tama,pag isipan mabuti, take your time po, hindi maganda magdesisyon pag galit ang isang tao.. tapos dasal lang po.. Good luck po momsh and God Bless

VIP Member

Pag-isipan niyo po mabuti. Kasi parang sincere naman siya makipagbati sa inyo at sabi niyo po hindi siya gumaganti sa inyo before, napupuno din po ang mga lalaki. Minsan kasi kasalanan din ng mga babae bakit napagbuhatan ng kamay.

Hanggang 7 years old si baby, sa nanay lang siya mapupunta. Hindi makukuha sayo ng kahit na sino, visitation rights lang pwede.

alam ko mamsh kaso lang may mga evidence sya na sinasaktan ko sya saka minsan sinasabi ko pag galit ako na di nya anak yun(hindi naman totoo nasasabi ko lang para ibigay nya saken) kaya if maghihiwalay kami may laban sya sa bata.

huwag masyado padalos-dalos sa decision mommy. huminga ka ng malalim at magdasal para maliwanagan ang isip mo.

lalo na sabi niyo po e kayo ang nananakit sakanya, kaya baka napuno din siya,

Trending na Tanong