TULA

Mundo Sa pasimula nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. At sa tao na nilikha kaniyang ipinagkatiwala. Lahat ng bagay dito sa mundo na nilikha ni Bathala. Tayong nilalang ang binigyan ng karapatang mamahala. Kay gandang alalahanin ang mundong ibinigay ng Diyos. Mga puno't halaman ay malayang lumago ng maayos. Mga hayop sa kagubatan na masiglang nagtatakbuhan. At para sa kanila ito ay paraiso na tirahan. Ngunit sa paglipas ng panahon, na kay bilis ngayon. Mundong kay ganda'y naglalaho na ngayon. Mga puno at halaman ay naubos na sa kagubatan. Mga hayop ay wala ng matirhan at di na pinagyaman. Kaya, sa ating mga mamamayan na pag-asa ng kalikasan. Magkaroon tayo ng pusong nagmamahal sa kapaligiran. Kumilos tayo, ating pagyamanin at pangalagaan. Mundong bigay ng Diyos na tayo ang pinagkatiwalaan.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

thanks for sharing